Chapter 1

10.1K 517 141
                                    

Hindi naman talaga niya gustong kalimutan ang lahat.

Ang totoo niyan ayaw niyang makalimot. Isa pa, mahal niya ang mga alaala. Kaya lang... dahil sa mga pangyayari, napuwersa siyang kalimutan ang lahat kahit labag 'yon sa kanyang kalooban.

Ngayong nagbalik na ang kanyang mga alaala, maraming bagay at pangyayari ang nanariwa sa kanyang isipan. Mga bagay na ngayon ay pinagsisisihan niya kung bakit niya kinalimutan.

Naalala niya na ngayon ang lugar.

Isang lugar sa pinakatuktok ng isang bundok. Dito makikita ang isang butas na lagusan kung saan siya matatagpuan. Ang daanan patungo sa kuweba na hindi kayang puntahan ng mga normal na nilalang.

Dito sa lugar na ito niya unang nasilayan ang pinakamagandang tanawin para sa kanya. Dito sila unang nagtagpo.

Muling bumalik sa isip niya ang mga salita na matagal naikubli sa kaibuturan ng kanyang isipan.

Noong kinailangan ko ng kamay na hahawak sa'kin, natagpuan kita.

Naramdaman ang pakiramdam noong unang magdikit ang kanilang mga kamay.

Noong kinailangan ko ng isang nilalang na maaaring magmahal sa'kin at hindi ako sasaktan, nandiyan ka.

Isang ngiti ng kaligayahan.

Naaalala mo ba? Nangako kang aalagaan ako habang buhay...

Pag-ibig na walang kapalit.

Naaalala mo ba? Nangako akong mamahalin kita habang buhay...

Mga alaalang hindi mapapantayan.

Naaalala mo ba? Sinabi mo noon na kahit anong mangyari hinding hindi mo ako kalilimutan...

At... luha ng kalungkutan.

Pero alam mo kung ano ang nakakalungkot?

Ako ang naging dahilan kung bakit nawala ang alaala mo at nakalimutan mo ang mahalagang pangyayaring nagpabago sa buhay mo.

QUINRA [Volume 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon