Whoo medyo late but here it is! Also, happy birthday po kay Mhinecutie09
Bago pa matapos ni Avanie ang sasabihin, sinubuan na siya ni Riviel ng maliit na piraso ng mansanas. "Saan ka hindi kumportable?"
Nangingislap ang mga matang tiningnan niya si Riviel. "Isa pa!"
Tagumpay! Nahulog na ang Prinsesa sa bitag.
Natutuwang ipinatong ni Riviel ang baba sa balikat ni Avanie. Sa mga ganitong pagkakataong hindi tumututol si Avanie, syempre nandito siya para maging oportunista! Hindi niya palalampasin ang kahit anong oportunidad para mapalapit sa Prinsesa kahit na sa bandang huli alam niyang makakatikim siya ng suntok, sapak at tadyak mula rito. Sulit naman.
"Bakit mo nga pala ako pinapunta rito?" Tanong ni Avanie sa pagitan ng pagnguya. Salamat sa mansanas nakalimutan niya nang nakaupo siya sa kanlungan ni Riviel.
Kumuha muna si Riviel ng panyo, pinunasan ang bibig ni Avanie bago sumagot. "May pakiramdam akong hinahanap mo 'ko, at para hindi ka na mahirapan ako na mismo ang nagdala sa'yo rito."
"Pwede naman tayong mag-usap sa screen."
"Ayaw mo 'kong makausap ng personal?"
"Ayos lang na mag-usap tayo sa screen, kaunti lang naman ang sasabihin ko sa'yo. Saka, marami akong ginagawang preperasyon para sa nalalapit na labanan." Kumunot ang noo ni Avanie.
"Hmmm... Itong kailangan mo, pabor o tulong?"
"Sa tingin mo?"
"Kahit alin sa dalawa, parehong may kapalit at pareho ang kapalit."
"Anong kapalit?" Taas ang isang kilay ni Avanie. May kutob na siya sa kung anong susunod na sasabihin ng tangang Hari.
"Pakasalan mo—"
Pak!
Hindi pa man natatapos ni Riviel ang sasabihin ay nakatanggap na siya ng malakas na chop sa noo galing sa malambot na kamay ni Avanie.
"Ano uli 'yon? Hindi ko masyadong narinig."
"Pakasalan—"
Pak!
"Ha, ano uli?"
"Pa—"
Pak!
"Pagpalainkanawangdiyosnamaykapal!" Mabilis na sabi ni Riviel bago pa tumama sa noo niya ang nakaambang panganib! Sigurado siya, isang chop na lang ang pipirma mahahati na ang ulo niya. Kung isa siyang normal na nilalang kanina pa nahati ang katawan niya.
"Gusto mo bang madaliin ang buhay ko? Grabe ka kung mamisikal," Reklamo ni Riviel sabay suksok ng ulo sa leeg ni Avanie.
"Hoy tangang Hari, anong ginagawa mo? Bakit sumusuksok ka na naman sa may leeg ko?" Naiinis na si Avanie. Lalo pang humigpit ang hawak ni Riviel sa bewang niya at di lang 'yon! Yumapos pa ito ng husto.
Kainitan ng sikat ng araw, wala sila sa Mizrathel! Mainit! Pero aaminin niya, gusto niya ang preskong amoy ng pabango ng Hari. Malamig ito sa ilong gaya ng lamig ng pang-umagang simoy ng hangin sa itaas ng bundok kung sa'n tumutubo ang mga bulaklak, na sinamahan ng mabining halimuyak ng pinaghalong malinis na karagatan at sitrus.
Simula nang magkakilala sila ng tangang Hari lagi niyang iniisip na pamilyar ang amoy nito, hindi nga lang niya matandaan kung sa'n niya ito unang naamoy.
"Kapalit." Bulong ni Riviel sa tenga niya.
Nagkibit balikat si Avanie. Kung ito ang gustong kapalit ng tangang Hari, walang problema sa kanya. Ang totoo kasi niyan, hindi pa talaga siya handang magpakasal gayunpaman mahalaga ang hihingiin niyang pabor dito. Pero lingid sa kaalaman ng Prinsesa, ang pagpayag niya sa 'Kapalit' na 'to ang magiging dahilan para tuluyan na siyang mahuli ni Riviel sa hinaharap.
BINABASA MO ANG
QUINRA [Volume 2]
FantasyDahil sa pagkamatay ni Haring Riviel Qurugenn ay naparusahan si Avanie Larisla at ipinatapon sa Mizrathel; Ang lupain ng mga Exile. Samantala, apat na Kaivan ang tumulak papuntang Mordiven para makuha ang kaluluwa ni Chance at maibalik ang buhay ni...