A/N: This is bad for my heart. This is bad for your heart too. Damay damay na tayo XD
✴✴✴
Kakaiba ang kilos ng pinsan niya.
Halos kapatid na ang turing ni Regenni sa pinsan niyang si Riviel. Magkasabay silang lumaki nito at dahil kapatid ng namayapang Reyna ang kanyang ama, lagi rin siyang nasa palasyo.
Anak siya ng Duke at tagapagmana ng pamilyang Sulaire. Nagsimula siyang magsanay ng espada at maji sa edad na walo at inihanda ang kanyang sarili sa pagiging Knight na laging tatayo sa tabi ng Haring si Riviel Qurugenn bilang alalay at tagapagbantay nito.
Ngunit dahil sadyang magaling at matalino, napili siyang maging ikalawang kapitan ng mga Knight sa edad na labing dalawa. Gayunpaman mas pinili niyang maging personal na Knight ni Riviel. Wala namang tumutol sa naging desisyon niya kaya simula no'n lagi na siyang kadikit nito.
Do'n din nagsimula ang pagiging matalik nilang magkaibigan.
At sa tagal nilang magkasama, kilalang kilala niya na ang pinsan. Kaya naman alam niya... ...na sa umpisa pa lang, nahulog na ang loob nito kay Avanie Larisla.
Sinalo ni Avanie ang palasong may lason para kay Riviel tapos kinaumagahan no'n ay tumakas ito dala ang isang kabayo na bumalik naman mag-isa kinahapunan.
'Nasaan siya? Bakit 'yong kabayo lang ang bumalik? May nangyari ba? Ayos lang kaya siya?'
Ang narinig niyang bulong ni Riviel habang nakatingin sa kabayo. Hanggang gabi nag-aalala ito at tumigil lang nang malamang nakabalik na si Avanie sa Eldeter.
Matapos no'n nagkita sila sa Idlanoa habang kalaban ang kapitan na si Shitarka Soligoban. Kinagabihan walang bukambibig ang pinsan niya kundi Avanie, Avanie, Avanie! Hanggang pagtulog Avanie pa rin pati paggising Avanie pa rin.
Hindi na siya mabibigla kung pati sa plato nakikita nito ang mukha ni Avanie.Hindi pa nakuntento ang pinsan niya. Kumuha sila ng test sa paanan ng bundok Chunan ika anim pa lang ng umaga. Wala pang nindertal. Naghintay sila ng isang oras dahil wala pa 'yong magbibigay ng pagsusulit.
Gusto nang umiyak ni Regenni.
Dahil maaga, nauna sila sa pila at agad na nakapasok sa gate papasok sa bundok Chunan. Tapos no'n nagpresinta si Riviel na antayin si Avanie sa may bukana.
Iniwan siya nitong nag-iisa sa gubat na puno ng Ginx!
Gusto na talaga niyang umiyak pero walang luhang lumalabas.
Masakit 'yon sa damdamin!
Marami pang mga bagay na nangyari. Ibinigay ni Riviel kay Avanie ang singsing na dapat ay ibinibigay lang sa mapapangasawa ng Hari ng Ishguria.
Sikreto lang pero pagbalik nila sa tinutuluyan nila sa Heirengrad, nagplano agad si Riviel kung pa'no at saan gaganapin ang kasal! At sikreto lang din, hindi nito nakalimutan ang halik na ginawa ni Avanie no'ng nalason ito.
Halos mabaliw na si Regenni dahil araw-araw kinukumpirma sa kanya ni Riviel (siya kasi ang nag-iisang saksi) na hindi panaganip ang nangyari.
Daig pa nito ang babaeng tinamaan ng ligaw na pag-ibig!
At ngayon nga...
Mula sa kinaroroonan ay sinilip niya ang nangyayari sa balkonahe ng palasyo. Dumating na ang bisita at 'yon ay walang iba kundi si Avanie Larisla.
Bakit pa nga ba siya nagtanong? Dapat sa kilos pa lang ni Riviel alam niya na kung sino ang dadating.
Ngumiti siya. Naalala niya pa ang sagot ni Riviel nang itanong niya rito kung ano talaga ang binabalak nito. Kung bakit gusto nitong pakasalan si Avanie.
BINABASA MO ANG
QUINRA [Volume 2]
FantasyDahil sa pagkamatay ni Haring Riviel Qurugenn ay naparusahan si Avanie Larisla at ipinatapon sa Mizrathel; Ang lupain ng mga Exile. Samantala, apat na Kaivan ang tumulak papuntang Mordiven para makuha ang kaluluwa ni Chance at maibalik ang buhay ni...