Chapter 32

2.5K 197 135
                                    

Malalim na ang gabi.

Tahimik na nagbibigay ng liwanag ang buwan kasama ang mga kumikinang na bituin sa paligid nito. Manaka-naka ay umiihip ang mabining hangin, kasunod niyon ay ang marahang pagasayaw ng mga dahon sa tila'y romantikong tugtugin.

"Aah...diyan sa tagiliran. Aah, sige diinan mo dyan."

"Dito ba?"

"Taas pa ng kaunti," aniya subalit tinapik ang kamay ng kasama nang mapansing mali ang hinahawakan nito. "Taas nga ng kaunti!"

Tahimik na sumunod ito.

"Diyan. Diinan mo."

Sumunod uli ito.

Tahimik ang paligid pero nabasag 'yon nang umalingawngaw ang malakas na tunog.

Toink tengeneng toink toink toink!

Toink tengeneng toink toink toink!

Toink tengeneng toink toink toink!

Toink tengeneng toink toink toink!

Muntik nang maibato ni Draul Vhan Rusgard ang bimbo na nakapatong sa gilid ng lamesa n'ya dahil sa matinding gulat. Sino ba naman kasing siraulo ang naglagay ng volume sa pinakamalakas?

Asar na pinukpok ni Draul ang bimbo kasunod no'n ay ang dating ng boses ni Dal Fegariano na mas malakas pa kaysa sa ring ng bimbo.

"Masamang balita!" Sigaw nito. "Masamang balita!" Sigaw uli nito. Mas malakas kaysa sa nauna.

Nayayamot na umungol si Draul saka minasahe ang pumitik na sentido dahil sa lakas ng tinig Fegari. "Siguruhin mong masama talaga 'yang balita mo, dahil kung hindi—Ikaw talaga ang sasamain sa 'kin."

Natahimik ito sandali. Sabay banat. "Draul, may ginagawa kang kababalaghan ano?"

Isang pitik uli sa sentido. "Gusto mong gawing kong kababalaghan 'yang mukha mo pagbalik mo rito?" Hinga nang malalim. Kailangan n'yang kumalma kung ayaw n'yang maubusan ng pasensiya sa pinaka nakakaasar na Dal.

Bakit ba hindi na lang si Izari ang nagsalita? Lagi na lang ang pinakamaingay na Dal ang nangunguna. Kapag nagsama si Chance at ang isang ito tiyak na mamimiss mo ang katahimikan ng paligid. Kung may katawan man ang kaingayan, silang dalawa na 'yon.

"Ngayon, ano 'yong sinasabi mong masamang balita?"

"Oo nga pala may sasabihin ako."

"..."

"Inutusan kami ni Avanie-hana na mag-imbestiga sa kaharian ng Arondeho," panimula nito. "Sumama kami sa hukbo ng mga sundalo na kasalukuyang papunta sa teleportation point at doon namin nalaman na may mga nawawalang sundalo."

Sumeryoso ang mukha ni Draul, isang delikadong kislap ang dumaan sa kanyang mga mata. "Ipaliwanag mo ng mabuti Dal."

"Nalaman namin na binawi ng haring si Zoloren Feverentis ang mga sundalo n'ya, at may bali-balitang kumakalat na kalahati lang ng mga ito ang nakabalik sa Arondeho samantalang nawala naman ang kalahati. Tapos no'n ay napagpasyahan naming magtungo sa Arondeho. Sa mga pinakatagong lugar kung saan nananatili ang mga palaboy at walang matitirahan kami nagpunta at doon namin nakita kung paano isa-isang dinudukot ang mga ito."

"Saan sila dinadala?" May pakiramdam si Draul na hindi maganda ang mga susunod n'yang maririnig.

"Sinundan namin sila, napadpad kami sa isang tagong bahagi ng kaharian kung saan may isang malaking kweba. Nakita namin doon ang isang malaking halimaw na may aura na nagmumula sa mga nindertal, at sigurado akong produkto ito ng isang lihim na eksperimento." Halata sa tinig ng pangalawang Dal ang ka-seryoso-han ng mga nakita ng mga ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 27, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

QUINRA [Volume 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon