Chapter 30

1.9K 182 32
                                    

"Gaya ng sinabi ko, kapag nagpakasal ka sa'kin iyo na ang Ishguria at ako. Kapag pinili mo naman na manatiling ganyan mawawalan ka ng puwersa na maaaring tumulong sa'yo na hanapin ang nawawalang bayan mo-o mas tamang sabihin na kaharian mo."

Gulat na nanlaki ang mga mata ni Avanie. "Paano... ...paano mo nalaman?"

"Mukhang hindi sinabi sa'yo ni Lumineux Hu-an na pumunta siya sa palasyo at siya ang gumamot sa 'yo noong natamaan ka ng palaso."

"BAKIT HINDI KO ALAM!?"

"Sino ba'ng basta na lang umalis pagkagising?"

"Sino ba'ng may kasalanan? Ikaw ba naman magising na may dumidila sa mukha mo, hindi ka tatakbo?"

"Sino rin ba ang may sabi sa'yo na mag-amoy pagkain ka?"

"Ako pa nga ang nasisi." Iniripan ni Avanie si Riviel. "Teka sandali, ano yung tungkol kay Hu-an?"

"No'ng gabing natamaan ka ng assassin nagpatawag ako ng doktor hindi inaasahang siya ang dumating. Sinabi niyang siya ang personal na doktor mo kaya nagduda ako at naitanong ko sa kanya kung sino kang talaga."

Bumundol ang kaba sa dibdib ni Avanie. Pero makaraan ang ilang sandali ay kumalma siya. Hindi si Hu-an ang tipo ng nindertal na nagsasabi ng sikreto. Isa pa, kung pagiging pinuno ng mga Kaivan ang pag-uusapan pumapangalawa lang si Hu-an kay Draul.

Tumango si Riviel at sinabi kay Avanie ang napag-usapan nila ni Hu-an.

"Sino ba talaga ang babaeng 'yan? Isa ba siyang maharlika na galing sa isang prominenteng pamilya?" Hindi na natiis na tanong ni Regenni.

"Isang maharlikang hindi."

"Wag mo nga akong lokohin!"

"Ang babaeng ito, mahalaga siya para sa aming lahat. Hindi prinsesa ang walang kaharian at hindi siya galing sa isang prominenteng pamilya dahil hindi naman siya kilala."

"Hindi kita maintindihan."

"Talaga? 'Wag kang mag-alala. Kung minsan ay hindi ko rin naiintindihan ang sarili ko," nakangiting sabi ni Hu-an.

"Pero bakit gano'n na lang ang pag-aalaga niyo sa kanya?" tanong ni Riviel.

"Dahil inutusan kaming alagaan siya."

"Nino?"

"Ng isang haring wala namang kaharian." Umiling si Hu-an. "Dapat ko bang tawaging Hari ang isang gaya niya? Ang totoo niyan mas mataas pa siya sa isang Hari."

"Paano magiging Hari ang isang Hari kung wala siyang kaharian?" balik tanong ni Regenni.

"Hindi mo kailangang maging mayaman para maging isang Hari. Hari ka kung may naniniwalang hari ka. At kahit hari o maharlika ka pa, kapag may naniniwalang pulubi ka... pulubi ka."

Bumuntong hininga si Avanie matapos magsalita ni Riviel. Kahit madalas niyang tawaging 'Tanga' si Riviel alam niyang matalino ito at kitang-kita 'yon sa pamumuno pa lang nito sa Ishguria. Mahal ito ng mga Ishgurian at galit dito ang malalakas na pinuno dahil alam nilang hindi isang mahina ang Hari ng Ishguria at lalo na dahil matalino at tuso ito.

Kaya hindi na siya magtataka kung nahulaan man nito ang kalahati sa mga itinatago niya. Ngunit hindi ibig sabihin no'n na ipagkakatiwala niya rito ang mga sikreto niya.

Magaan man ang loob niya kay Riviel hindi pa rin 'yon sapat na dahilan para isiwalat niya rito ang lahat ng sikreto niya.

Kung kailangan niyang magdahilan, gumawa ng rason o kung anoman, gagawin niya para lang ma-protektahan ang mga mahal niya.

QUINRA [Volume 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon