Chapter 19

5.8K 387 50
                                    

Matapos ang ilang kilometrong paglalakad ay narating na ng hukbo ang magkakadikit na may kataasang burol. Maliliit man ang mga ito, mahirap pa ring tawirin lalo na kung magkakadikit. Mula rito, magiging taas-baba na ang paglalakbay nila.

Magdidilim na kaya inutos ng Heneral na sa paahan ng burol na sila magpapalipas ng gabi. Mabilis namang nagsikilos ang mga sundalo, wala pang limang minuto ay napuno na ng mga tent ang paahan ng burol. Habang abala ang ilan sa pagtatayo ng tent, naghahanda naman nang makakain ang mga may alam sa pagluluto.

Masigla ang kampo, kala mo nasa picnic lang ang mga sundalo at hindi sasabak sa isang digmaan. Halatang balewala sa mga ito ang kalaban na kakaharapin.

Bagay na pagsisisihan nila nang malaki oras na malaman nila kung ano at sino ang naghihintay sa kanila sa kabilang ibayo.

Samantala sa tent ng Heneral...

Lumulutang ang mga maji orbs sa bawat sulok nang malaking tent. Sapat lang ang liwanag para ilawan ang loob nito. Isang malambot at malaking kama ang nakalagay sa may kanang sulok, sa kabila naman kaharap nito ay isang malapad na lamesang karaniwang makikita sa silid aklatan. May bilog na karpet sa sahig at ang insignia ng Asturia ang disenyo nito.

Pumasok ang isang matangkad na lalaking nakasuot ng jacket na gawa sa balat ng level 3 Ginx. Ang Gincorta.

Walang iba kundi si Latrell Olanticart. Ang Zu-in na pumatay kay Chance. Siya ang Heneral ng buong hukbong ito.

Sa likuran niya ay nakasunod sina Fortisimo Agueros; Kapitan ng mga sundalo ng Zerith Fortress. At ang Knight na si Darony Mill.

"Maayos ba ang lahat?" Tanong ni Latrell sa dalawa bago umupo sa upuang nasa likod ng lamesa. "Kung may problema ayusin agad. Ayokong magkaproblema pagdating natin sa Mizrathel. Fort, kamusta ang galaw ng mga exile?"

Tumayo nang tuwid si Fort bago sinabi ang ulat niya. "Ulat para sa Heneral! Maliban sa paggawa ng mga pagkaraniwang armas wala nang ibang galaw ang mga exile."

"Oh... ilan ang inihahanda nila para labanan ang dala nating hukbo?"

"Sa bilang na dalawampung libo, nasa pitumpung (70) porsyento lang ang may alam sa pakikipaglaban."

Tumangu-tango si Latrell. Kontento sa narinig. "Magiging madali ang labanang ito kung gano'n. Siguruhin niyong wala ni isang sundalo ang aatras sa laban. Sa mga exile naman, wala tayong ititirang buhay kahit isa sa kanila."

"May isa pa akong ulat Heneral."

"Magsalita ka."

"Kahapon ng umaga, nawalan nang malay ang bise kapitan ng ika-anim na hukbo. Hanggang ngayon hindi pa rin siya nagigising."

Sa pagkakaalala ni Latrell, si Kondal Genr. Anak ng isang may kataasang opisyal sa Asturia. Mayabang ito at minamaliit ang ibang mga sundalo kaya maraming may galit dito.

"Anong nangyari?" Tanong ni Darony nang makita niyang mukhang walang interes na magtanong si Latrell.

"Ang sabi ng mga nakakita... ...natakot ang bise kapitan sa lamok kaya nawalan siya nang malay."

Latrell: "...."

Darony: "...."

Akala ng mga ito sa kanila, tanga??

"Nasa'n 'yong may kagagawan?"

Kahit hindi sabihin ng mga nakakita, malalaman at malalaman pa rin nila kung sino ang gumawa nito kay Kondal.

"Tungkol do'n..." Napakamot si Fort sa batok niya. "Bigla na lang sila nawala ng parang bula."

✴✴✴

QUINRA [Volume 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon