Hindi makapaniwala ang tatlong Dal sa nakita. Kung simpleng halimaw lang wala silang pakialam, pero hindi! Ang halimaw na ito ay may aura na nagmumula sa mga nindertal at iisa lang ang ibig sabihin n'on. Malamang na may ginagawang hindi maganda ang mga namumuno rito para makagawa ng isang ganitong klase ng halimaw.
"Malaki na talaga ang ipinagbago ng mga nindertal sa mundong ito. Hindi ko alam kung hanggang saan na ang lalim ng kasakiman at kasamaan nila. Pati mga inosenteng nilalang kaya nilang isakripisyo para lang sa plano nila!" gigil na turan ni Fegari.
"At sa galaw ng halimaw na iyan, mukhang hindi na bago sa kanya ang ginagawa niya."
"Ibig sabihin..."
Naniningkit ang mga matang tumango si Izari. "Matagal na nila itong ginagawa at malamang na hindi lang nag-iisa ang halimaw na ito, kung tama ang hinala ko, meron pang mga kagaya niya sa loob ng tunel. Hindi ko lang sigurado kung saan nila ginagawa ang eksperimento."
"Hindi nila rito ginagawa?"
"Hindi. Dahil kung dito nila ginagawa ang eksperimento, patay na sana ang dinukot na si Dinan."
"Tama ka kuya, anong gagawin natin?"
Muling tiningnan ni Izari ang halimaw. "Kung pagbabasehan ang lakas nito, kasing lakas ito ng isang level 3 ginx. Malakas na ito para sa mga pangkaraniwang maji users pero hindi para sa atin. Ang iniisip ko lang ay kung may mas malakas pa kesa sa isang ito. Matagal na rin tayong hindi nakakatikim ng malakas na kalaban, sa ngayon susundin natin ang gusto ni bunso."
Ikinuyom ni Fegari ang kamao at isinuntok sa nakabukang palad. "Handa na akong lumaban!"
Sabay-sabay na tumalon ang tatlo mula sa kinaroroonan at sa isang iglap lang ay nasa harapan na sila ng halimaw.
Agad na naalerto ang mga maji users sa biglaang pagsulpot ng tatlong Dal.
"S-Sino kayo?!"
May ibang agad na nagpakawala ng maji circles at ang iba naman ay mga sandata.
"Sa totoo lang wala kaming balak pumaslang ng mga nindertal pero sa mga nakita ko..." Sinulyapan niya ang halimaw. "Gustong-gusto ko na kayong hatiin sa lima!"
Lumitaw ang tatlong malalaking espada sa harapan ng tatlong Dal, tapos no'n ay ibinuka ng tatlo ang kanilang mga palad. Tila naman may buhay na lumapag sa kamay nila ang hawakan ng mga esapdang 'yon.
Nagkatinginan ang mga maji users tapos ay tumango. Alam nilang hindi magandang balita ang tatlong ito. Lalo pa't hindi nila masukat ang maji level ng mga ito kaya naman wala silang ideya kung gaano kalakas ang tatlo.
"Hindi namin alam kung saan kayo galing at kung ano ang ipinunta nyo rito. Pero kung hindi kayo aalis, h'wag nyo kaming sisihin kung mapatay namin kayo."
"Oh? Hayaan mong baliktarin ko ang sinasabi mo nindertal, hndi namin alam kung saan kayo galing at kung anong giangawa nyo rito pero kung hindi nyo ito titigilan h'wag nyo kaming sisihin kung mapatay namain kayo. Sinabi ko na, wala kaming balak pumaslang ng nilalang. Nasa inyo kung susuko kayo at pakakawalan ang mga dinukot nyo o lalaban kayo hanggang kamatayan para lang sa walang kwentang eksperimentong ginagawa ng stupidong pinuno nyo—kung sino man siya!"
"Matalas ang dila mo bata! Hindi mo alam kung anong binabangga mo!"
"Talaga? Mukha mo mukhang tahong! Walang pang binangga ang mga Dal na hindi nagiba at... payo ko lang sa'yo mag-isip ka kung itutuloy mo 'to o aatras. Dahil kung hindi... ... sisiguruhin ko na walang matitira sa inyo kahit isa."
"HAHAHAHA!! Nagpapatawa ka ba bata? Hindi mo ba nakikita kung gaano kami karami rito at kung ilan lang kayo? Baka gusto mo munang tumingin sa salamin. Sa payat nyong 'yan tingin mo may laban kayo sa amin?"
BINABASA MO ANG
QUINRA [Volume 2]
FantasyDahil sa pagkamatay ni Haring Riviel Qurugenn ay naparusahan si Avanie Larisla at ipinatapon sa Mizrathel; Ang lupain ng mga Exile. Samantala, apat na Kaivan ang tumulak papuntang Mordiven para makuha ang kaluluwa ni Chance at maibalik ang buhay ni...