Chapter 20

5.7K 395 72
                                    

Kapag nakagawa ka ng kasalanan at wala kang balak magpahuli, siyempre kailangan mong tumakbo at magtago, dahil 'pag nahuli ka sigurado malaking gulo.

At walang balak masangkot ang mga Dal sa mas malaki pang problema kaya nang makita nila ang mga paparating na kawal ay mabilis pa sa kidlat na sumibat ang tatlo. Kaya naman nang makarating ang mga kawal sa pinangyarihan ng gulo, wala na ang mga salarin at ang Prinsesang nakahandusay sa sementadong daan na lang ang naabutan nila. Pilit itong ginigising ng alalay nito pero mukhang wala pang balak bumalik sa totoong mundo ang Prinsesa.

Samantala...

"Hmp! Ang lakas ng loob ng magnanakaw na 'yon na ipasa sa'tin ang ginawa niyang kasalanan para lang makatakas! Mukha ba tayong mga kriminal?" Lumulubo ang pisngi ni Fegari habang nagrereklamo. "Kala niya hindi natin siya hahanapin?"

Palalampasin ba naman 'to ng mga Dal? Lintik lang ang walang ganti!

Pero pare-parehong nag-iba ang ekspresyon ng tatlo nang marating nila ang lugar kung sa'n nagdire-diretso 'yong magnanakaw. Hindi naman gano'n kadumi ang lugar na nilikuan nila pero kumpara sa pamilihan na puno ng iba't-ibang kulay at maingay, tila ninakawan naman ng sigla ang lugar na ito. Kulay abo ang buong paligid at nanlilimahid sa langis ang kalsada. May mga nakatambak na basura sa gilid, sa taas naman ay makikita ang mga lubid na itinali sa bintana ng dalawang magkahiwalay na lumang gusali para gawing sampayan. Walang damit na nakasampay pero may mga nakasabit na plastic at mga lumang sapatos.

Habang patuloy ang pag-abante nila, napansin ng tatlo ang manaka-nakang nindertal na nakaupo sa gutter, may iba namang nakahiga sa gilid, meron ding kumakain pero sa itsura ng pagkain mukhang panis na ito.

"Ito ang unang beses na nakakita ako ng ganito," turan ni Izari.

Hindi naman kasi mawawala ang nindertal na mahihirap sa bawat bansa pero kung ikukumpara sa iba pang bansa mukhang mas malala ang kahirapan dito sa Arondeho.

"Hindi ko alam, kasama ko lang siya kagabi. Pero no'ng hinanap ko kaninang umaga hindi ko na nakita." Narinig nilang wika ng isang pulubing nakikipag-usap sa dalawang kasama nito.

"Hindi kaya...

"Sa loob lang ng ilang gabi, pang pito na si Muhi sa mga nawala."

"Saan kaya sila napupunta? Sino rin ang kumukuha sa kanila?"

"Malakas ang usap-usapan na kinukuha nila ang mga simpleng mamamayan para ipadala sa digmaan."

"Huh? Pero binawi na ng Hari ang mga sundalo sa Asturia."

Nagkatinginan si Fegari at Izari. Sinabi rin ng isang sundalo na binawi na nga ng Arondeho ang mga sundalo pero may sabi-sabi na kalahati lang sa mga ito ang nakabalik. Kung gano'n, saan napunta ang mga nawalang sundalo pati na ang mga nindertal na nawawala sa lugar na 'to?

"Ayun siya kuya!" Turo ni Satari sa pigura na biglang lumabas galing sa isang sulok.

Narinig nito si Satari kaya tinangka nitong tumakas pero mas mabilis ang tatlong Dal, sa isang iglap lang ay napalibutan na ang kriminal.

"Haha, maraming pwedeng lusutan dito sa lugar niyo pero ga'no ka kasigurado na matatakasan mo kami?" Nakangiting tanong ni Fegari pero hindi maitatago ang talim at lamig sa mata nito. "Para sa kaalaman mo, bilang lang sa daliri ang nakakatakas sa'min ng buhay."

"A-Anong kailangan niyo?!" Natatarantang tanong ng nindertal.

Naniningkit ang mga matang tiningnan ni Izari ang kaharap. Nakabihis pang pulubi gayunpaman mahahalatang isa itong hindi pangkaraniwang nindertal.

May kutob si Izari na... "Anong dahilan at sinadya mong kunin ang atensyon namin? Anong kailangan mo?"

Saglit na natigilan ang lalaki bago nawala ang takot sa mukha nito at napalitan ng kaseryosohan. Hindi nga nagkamali ang mga mata niya. Unang kita niya pa lang sa tatlo, alam niya nang ito ang hinahanap niya. Wala na siyang pagpipilian kaya kahit alam niyang maaaring madamay ang mga ito kailangan niya pa ring subukan!

Tiningnan ng tatlong Dal ang lalaki at hindi nagbago ang ekspresyon ng tatlo kahit pa nang magsimulang lumuhod ito at humarap sa kanila na puno ng determinasyon.

"Kailangan ko po ang tulong niyo!"

✴✴✴

"Alam ko pong wala akong karapatang kuwestiyunin ang plano niyo kamahalan pero alam niyo po kung ga'no kami nag-aalala sa kaligtasan niyo." Taimtim na turan ni Hu-an kay Avanie.

"Huli na para sabihan mo 'ko na h'wag makialam," sagot ni Avanie saka ibinagsak ang pwet niya sa malambot na kama. Mula sa screen ay nakikita niya ang batang si Ashril sa likuran ni Hu-an kasama ng dalawa pang lalaking hindi niya kilala. "Alam kong hindi ako mabait, lalong hindi ako isang santo pero para sa isang nilalang na may pakiramdam at alam ang tama at mali, sa tingin mo hahayaan ko na lang ang sarili kong manood habang isa-isang nawawala ang buhay ng mga inosenteng nindertal sa harapan ko?"

"Naiintindihan ko kamahalan. Hindi ko lang po maiwasang mag-alala."

"Alam ko. E, ano naman ngayon kung sa'kin lumipat ang atensiyon nila? May mga ebidensiyang nagtuturo kay Bernon bilang nindertal na may kinalaman sa pagkawala ng Rohanoro kaya kahit anong iwas ang gawin natin nakatakda pa rin kaming magharap. Mas maaga mas maganda para kahit pa'no alam natin kung sino dapat nating bugbugin!"

Humalukipkip si Avanie saka nginisihan si Hu-an.

Napabuntong hininga na lang ang doktor saka tumango. "Gagamitin ko ang teleportation stone para makapunta sa Mizrathel agad."

"Sa tingin mo ga'no katagal ang aabutin bago mo matapos?"

"Hindi biro ang bilang nila. Pero kung magta-trabaho ako ng diretsong dalawang araw matatapos ko lahat."

"Pinapunta kita rito para tumulong hindi matuyo. Tingin mo sa'kin, abusadong amo? Hindi tayo nagmamadali kaya gawin mo ayon sa oras na kaya mo."

"Masusunod kamahalan."

Pinatay na ni Avanie ang screen, pumikit saka hinayaan ang katawan niyang lumapat sa malambot na kama pero imbes na malambot na kutson, nabalot siya ng nahuhulog na sensasyon, pagkatapos no'n ay naramdaman niya ang pagpulupot ng matipunong braso sa balikat at ilalim ng hita niya.

Napamulat si Avanie at tumambad sa kanya ang pulang pares ng mga mata. Matingkad ito sa ilalim ng sikat ng araw at nakatitig sa kanya na para bang isa siyang kayamanan na ngayon lang natagpuan.

(AN: Seriously!? Wala na bang mas kokorni pa dyan?? *nosebleed*)

"Tangang Hari!?" Bulalas ni Avanie. Bakit nandito na naman siya?

Ngumiti lang si Riviel tapos ay inayos siya ng pagkakaupo. At ngayon lang niya napansin, anak ng tinapa't tinola pati bola-bola! Nakaupo siya sa kanlungan nito! Inilibot niya ang tingin sa paligid. Puno ng iba't-ibang bulaklak kaya sigurado siyang nasa hardin sila. Sa harapan naman ay may bilog na lamesang puno ng pagkain. Karamihan mansanas.

Natural pang pain kay Avanie.

"Uuuh... ...pwede po bang bumaba?"

"Bigyan mo 'ko ng magandang rason para ibaba kita."

"Meron pang tatlong bakanteng upuan."

"Matigas."

'Anong matigas? Siyempre gawa sa bakal 'yong upuan natural matigas! Nakakita ka na ba ng upuang gawa sa bakal tapos malambot? Naglolokohan ba tayo rito?'

"Hindi ako kumportable—"

Bago pa matapos ni Avanie ang sasabihin, sinubuan na siya ni Riviel ng maliit na piraso ng mansanas. "Saan ka hindi kumportable?"

Nangingislap ang mga matang tiningnan niya si Riviel. "Isa pa!"

Tagumpay! Nahulog na ang Prinsesa sa bitag. 

QUINRA [Volume 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon