Chapter 25

2.6K 279 55
                                    


Sa buhay, hindi maiiwasang magkaroon ng mga hindi inaasahang pangyayari.

Halimabawa: Nagising ka at nakita mo sa orasan na mahuhuli ka na sa trabaho, nagmadali ka at sa tingin mo ay aabot ka pa. PERO sa hindi inaasahang pangyayari nasira ang sinasakyan mo kaya naman wala kang nagawa, nahuli ka pa rin sa trabaho.

Pagkadismaya na lang ang tanging naramdaman mo.

Subalit bukod sa pagkadismaya; nakakaramdam din ngayon ng pagkalito, galit at takot ang limang nindertal na kasalukuyang tinitingnan ang nasa harapan nila.

HAWAK NAMIN ANG POSTE NIYO. KUNG GUSTO NIYO ITONG MAKUHA PUMUNTA KAYO SA MAY GILID INN. MALAPIT SA TINDAHAN NI WAIKIKI!

"..........."

Makulimlim na nga ang paligid at nadagdagan pa yon ng madilim na mukha ng grupo.

Gusto nang sumuka ng dugo ng pinuno ng grupo. Puputok na rin yata ang ugat niya sa ulo dahil sa sobrang galit.

Sinong tangang nilalang ang may kagagawan nito? Anong mapapala nila sa pagkuha ng walang malay na poste? Alam ba nila kung saan ginagamit ang bato na nakakabit dito kaya nila ginawa ito? At higit sa lahat anong pakay ang meron sila?

Napakahalaga ng batong ninakaw ng mga ito! At hindi lang 'yon, isinama pa pati poste!

Gusto na talaga niyang magwala! Buti na lang hindi apoy ang maji niya at wala siyang Carvian na gumagamit ng apoy dahil kung hindi bubuga talaga siya ng apoy!

"Pinuno, ano na ang gagawin natin ngayon?" tanong ng isa sa lalaking sa isa pang lalaking matipuno ang katawan. Ito ang kinikilala nilang pinuno. "Siguradong malilintikan tayo kapag hindi natin nagawa ng misyon na ipinipagawa ng heneral."

"Hah! Kung sino man ang gumawa nito malilintikan sa'kin!" galit na turan ng pinuno. "Ipapakita natin sa kanila na mali ang kinalaban nila! Tara sa Waikiki!"

Sa Inn kung nasaan sila Avanie.

"May nararamdaman ako."

Gulat na tiningnan ni Yhayuk si Avanie na kasalukuyang nakayukyok sa lamesa. Halatang inip na inip na ang Prinsesa.

"M-May kalaban po ba kamahalan?"

"Parating na ang pera ko!" Ngumisi si Avanie tapos ay pinagkiskis ang dalawang kamay. "Kuuh kuuh... mukhang malaki ang kikitain ko rito!"

"Huh?"

"Poste," simpleng sagot ng Prinsesa.

Napatayo si Warly. "Nandito na sila kamahalan?"

Umupo ng tuwid si Avanie at sumeryoso ang ekspresyon ng mukha nito. "Dalawang araw na ang nakalipas mula nang kuhanin natin ang poste sa kinalalagyan nito. Mukhang napaaga ang pagparito nila at kung tama ang hinala ko, sisimulan na nila ang preperasyon para buksan ang portal. Ilang araw na lang magaganap na ang digmaan."

Kinilabutan ang lahat sa sinabi ni Avanie.

Gaya nga ng sinabi ng Prinsesa hindi nila balak pigilan ang napipintong digmaan dahil wala rin naman itong maidudulot kung hindi ang maantala ang paglusob pero hindi nito mapipigilan ang pagiging ganid ng Asturia sa kapangyarihan. Mangyayari at mangyayari pa rin ang digmaan. Kung hindi ngayon, siguradong may susunod na panahon.

Alam nilang may plano si Avanie para tulungan ang mga Exile, bagama't marami silang ginagawang preperasyon, hindi pa rin nila maiwasan na matakot. Gayunpaman, wala silang magagawa kundi ang tapangan at tibayan ang loob at isipin na magiging maayos ang lahat at matatapos din ang nangyayaring ito.

Kinuha ni Avanie ang bimbo at tinawagan si Lyrad. Agad namang sumagot ang kabilang linya.

"Kamusta ang preperasyon?" Bu gad niya.

"Maayos ang lahat dito kamahalan. Ginawa ko ang lahat ayon sa bilin niyo. Siya nga po pala, may isang nindertal na dumating dito na nagpakilalang Hu-an. Sinabi niyang may ipinagagawa kayo sa kanya. Nasa bahay siya ngayon at doon nananatili."

"Inaasahan ko na ang pagdating niya. Gawin mo ang lahat ng inuutos niya. Kung may kailangan siya ibigay mo agad. Malaki ang maitutulong niya sa atin."

Tumango si Lyrad at tiningnan ang nakasaradong pinto ng isang silid. Malakas ang taong 'yon, ramdam niya. At hindi siya makapaniwalang susunod ang nindertal na ito kay Avanie.

Sa umpisa pa lang malaki na ang duda niya subalit wala siyang lakas ng loob para magtanong dahil malaki na ang utang ng loob nila kay Avanie sa pagtulong pa lang nito sa kanila. Pero hindi niya maiwasan.

Sino ba talaga ang Nindertal na ito? Paano siya nakagawa ng isang malaking hukbo na gawa sa yelo? Sa pagkakaalam ni Lyrad, wala sa buong mundo ng Nindertal ang nakakagawa nito o kung meron man malamang na nasa hanay ito ng mga Zu-in ngunit sigurado siya na hindi mapapantayan ng mga ito ang ginawa ni Avanie, dahil kung meron mang makagagawa nito siguradong ginamit na nito ang mga iyon para palakasin ang kapangyarihang militar at sakupin ang iba pang bansa.

Isa lang ang nasa isip ni Lyrad. Kasing lakas ni Avanie ang mga tinatawag na Zu-in—hindi! Siguradong mas higit pa sa mga 'yon ang kapangyarihan niya.

May palagay siyang kaya ni Avanie na baguhin ang takbo ng mundo ng Iriantal kung gugustuhin nito.

Isa siyang nakakatakot na nilalang.

Bumuntong hininga si Lyrad.

'Mabuti na lang at kakampi namin siya. Buti na lang talaga kakampi siya.'

Bumalik lang ang tingin niya sa bimbo nang muling marinig ang tinig ni Avanie.

"Papunta na rito ang mga magbubukas ng portal. Kung tama ang kalkulasyong sinabi mo noong nakaraan, makakarating ang buong hukbo sa Mizrathel sa loob lang ng tatlong araw. Sa makatuwid, sa loob ng tatlong araw ay magsisimula na ang digmaan."

"Naiintindihan ko Avanie-hana. Ipaaalam ko ito sa lahat."

"H'wag kang masyadong mag-aalala. Habang nandito ako, sisiguruhin kong magiging ayos lang ang lahat!"

Nabawasan ng kaunti ang kabang nararamdaman ni Lyrad. Hindi niya alam kung kailan nag-umpisang isipin na... ...makakaya nila ang lahat basta't nandiyan si Avanie Larisla.

Pagkatapos ibaba ang bimbo, taas ang noong tumayo si Avanie. Nangingislap ang mga mata niya at may masamang ngiti sa mga labi.

"Tara, kailangan nating salubungin ang mga bisita!" May palagay si Avanie na abot na hanggang bumbunan ang galit ng mga may-ari ng poste.

Pero 'yon naman ang pakay niya. Ang galitin ang mga ito. Para oras na magkita sila, kaunting pang-aasar pa tiyak na puputok na ang bulkan at pag nangyari 'yon...

"Hahaha! Sige, simulan na natin!"

Nagkatinginan si Warly at Yhayuk. Pareho sila ng nasa isip.

'May kakawawain na naman si Avanie.'

🦴🦴🦴

Hello guys! Alam kong medyo maikli lang ang update ngayon. Habang gumagawa kasi nito, nagsusulat din ako ng iba pang pointers para sa war scene. Hindi ko na namalayan yung oras kaya heto't sobrang iksi. Bawi na lang po ako. 3 updates on Thursday. Dito na po magsisimula yung CLIMAX ng book 2

Sa mga nag-aabang ng updates sa ibang story, don't worry. BEUS will continue next month!

See ya!

QUINRA [Volume 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon