Chapter 23

11.8K 582 488
                                    

Unti-unting nagmulat ng mata si Zaf at wala sa loob na napalunok nang makita ang matalas na tinik sa harapan niya. Muntik na 'yon! Kaunti na lang tutusok na ang mga tinik sa katawan nila! Agad siyang nag-angat ng tingin at doon niya nakita ang lumulutang at nakangiting kaluluwa.

"Bakit ngayon lang kayo dumating? Ang tagal ko nang naghihintay!"

Ang pamilyar na ngiting 'yon, ang masiyahing ugali... Walang duda!

Si CHANCE AKINDARIMA!

"Tsk... Tsk! Hirap talaga pag wala ako, nahihirapan kayo ng husto," mayabang na turan ni Chance.

"Gusto mong mas pahirapan pa kita? Pipitpitin ko lahat ng buto mo sa katawan!" sigaw ni Fahnee. "Ang hirap na nga ng pinagdaanan namin sa kamay ng mga halimaw tapos kayabangan pa ang ibubungad mo sa'min? Pasalamat ka't wala si Draul kung hindi namatay ka na ng maraming beses!"

Ngumisi si Chance. Sa lahat talaga ng mga ka-grupo niya, si Fahnee ang pinaka pikon. "Una sa lahat, wala akong buto dahil kaluluwa na lang ako kaya pasensiya na wala kang mapipitpit. Pangalawa, hindi papayag si Panginoong Ardvak na masaktan ang mga kaluluwang hindi pa nabibigyan ng hatol kaya kapag sinaktan ako ni Draul, mapaparusahan siya. Ikatlo, alam kong natutuwa kang makita ako, itinatago mo lang. Umamin ka na, wala naman akong pagsasabihan."

"Kahit ipagsabi mo pa sa buong mundo wala akong sasabihin!" Pinipigilan ni Fahnee ang sarili niyang humanap ng paraan para pumaslang ng kaluluwa. Gusto niyang maltratuhin ang pagmumukha ng isang ito!

"Fahnee nakakasakit ka ng damdamin... hindi mo man lang ba ako na miss?"

"Hindi. Nagpunta kami rito dahil hinahanap ka ni Avanie-hana."

"Kung hindi niya ako hinanap?"

Sumingit si Zaf. "Maghihintay ka rito hanggang sa mahanap namin ang Rohanoro."

"Mga walang puso!" sigaw ni Chance.

"Ikaw ang walang puso!" supla naman ni Fahnee. "Walang katawan, walang buto, walang atay at balunbalunan!"

Chance: "....." Anong problema ni Fahnee? Parang ang init ata ng dugo nito ngayon.

"Ayokong pumunta rito sa umpisa pa lang! Napilitan ako dahil kailangan ka naming maibalik ng buhay para sa kamahalan. Di mo ba alam kung ga'no nakakatakot ang mga halimaw dito? Muntik na akong maabo dahil sa lason ng butong dragon!"

"Haha! Alam ko namang mahal ako ni Avanie-hana, hinding hindi niya ako pababayaan."

"Ang akala niya namatay at natunaw ka dahil naligo ka ng asin," sabi ni Zaf. Nagtataka siya kumbakit hindi pa rin sila ibinababa hanggang ngayon. Naduduling na siya kakatingin sa matulis na tinik sa harapan ng mata niya.

"Anong akala niya sa'kin linta!?"

"Hindi, isa ka na lang masamang esperitu ngayon. Mamamatay ka na talaga kapag sinabuyan ka ng asin."

"Bakit pakiramdam ko pinagkakaisahan niyo 'ko?"

"Wala kang pakiramdam," sabi naman ni Rhilia. "Hindi mo pa ba kami ibaba rito?"

Pumalakpak ng isang beses si Chance. "Oo nga pala, muntik ko nang makalimutan. Pinapunta ako rito ni Panginoong Ardvark para salubungin kayo. Tara, dadalhin ko kayo sa kanya para masimulan na ang pagsubok."

"Pagsubok?" kunot noong tanong ni Feer.

"Oho Feer, na miss kita! Pahalik nga ng isa!" akmang lalapit si Chance kay Feer pero agad siyang hinarangan ni Lou. "Ahaha biro lang Lou, biro lang. Hindi ko aagawin ang pinakamamahal mo. Ahem! Tama pagsubok. Bago pa kayo pumunta rito, alam na ni Panginoong Ardvark ang sadya niyo. Ang mabuti pa siya na lang ang magpapaliwanag."

QUINRA [Volume 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon