Arondeho
VandisierKung ang Eldeter ay may sikat na bar na kung tawagin ay Grisiliss kung saan nagaganap ang pinakamalaking palitan ng impormasyon, ang Arondeho naman ay may tinatawag na Reihort na matatagpuan sa mataong siyudad ng Vandisier.
Ang Reihort ay isang lugar kung saan inililimbag at ipinapalabas ang mga balitang hindi karaniwan o hindi maaaring basta na lang isiwalat sa madla. Isang halimbawa na ang mga balitang kontra sa isang pinuno, ministro o hari ng isang bansa. Gayunpaman, hindi rin ganoon kasimple kung nais man nilang mag labas ng balita. Subalit malakas ang loob ng mga taga Reihort kaya kahit ano pang anumalyang nagaganap sa isang kaharian ay kaya nilang ibalita basta't may sapat na impormasyon at totoong ebidensiya.
Kilalang totoo ang Reihort sa mga ibinabalita nito kaya naman kahit anong storya o balita na inilalabas nila ay agad pinaniniwalaan ng mga nindertal sa buong Iriantal.
Walang kinatatakutan ang mga namamalakad ng Reihort dahil bali balitang pinopondohan sila ng iba ring kaharian para siraan ang iba pang kaharian. Isa pa, marami silang hawak na impormasyon na maaaring maglagay sa alanganin sa isang may katungkulan sa bawat kaharian.
Kaya naman ilag ang ilang matataas na may katungkulan kapag Reihort na ang pinag-uusapan.
Reihort
Main BuildingIpinatong ng isang lalaki ang kanyang paa sa ibabaw ng lamesa, dahilan para maglaglagan ang ilang dokumentong nakalagay sa bingit nito. Bahagya niyang ibinaba ang suot na puting sumbrero at walang paki sa mundong pinaglaruan ang hawak na puzzle cube.
Halatang isang opisina ang lugar ngunit dahil sa mga nagkalat na papel sa bawat sulok at palibot ng buong silid, aakalain ng kahit sino na isa itong tambakan ng mga lumang papel.
"Mora!"
Sandaling natigil ang lalaki sa paglalaro dulot nang malakas na pagbalandra ng pintuan at nang isang humahangos na babae ang biglang pumasok.
Nakasuot ito ng tight fitting na itim na blouse na humakab sa magandang katawan nito at maiksing mini skirt. Bahagya ring nalaglag ang suot nitong salamin dahil na rin siguro sa pagmamadali.
"Anong malaking nangyari dahilan para mapahangos ng ganyan ang maganda kong sikretarya?" Ibinaba ng lalaki ang hawak na puzzle cube at pahinamad na sumandal sa kinauupuan. "Maraming kakaibang nagaganap ngayon sa Iriantal pero sa itsura mo Miyon... mukhang may malaking nangyari."
Inayos ni Miyon ang suot na salamin bago nanginginig na nagsalita. "K-Kanina lang, nakatanggap ako ng tawag mula sa isang may katungkulan galing sa Asturia."
"Oh?"
"Mora—boss! Gusto nilang i- full coverage natin ang mangyayaring labanan na magaganap sa Mizrathel!" tuwang-tuwa na turan nito.
Sandaling natigilan si Mora, pagkuwa'y tumawa nang malakas. "Bakit? Naubusan na ba sila ng maaaring magbalita rito? Huhulaan ko, gusto ng hari ng Asturia na maging isang malaking palabas ang mangyayaring labanan kaya kinukuha niya ang lahat ng mga istastyon na maaaring mag balita nito."
"Pa, papayag ba tayo?"
"Sa tingin mo?" balik tanong ni Mora. "Isang matabang karne ang labanan na mangyayari para sa ating mga mamamahayag kaya marami ang gustong makihati rito, magpapahuli ba ang Reihort? Pero bukod do'n, may gusto rin akong malaman kaya naman Miyon... tumawag ka sa Asturia at sabihin mo na papayag lang ang Reihort na ibalita ang mangyayari kung papayag din si Bernon Zeis na magpakuha ng live sa screen habang nagaganap ang labanan."
Naguguluhang tumingin si Miyon sa kanyang boss. Bakit kailangan pa nilang kuhanan ang mukha ng hari ng Asturia? Sa tingin niya hindi naman kasama sa importante 'yon. At saka panira lang 'yon sa mood.
BINABASA MO ANG
QUINRA [Volume 2]
FantasyDahil sa pagkamatay ni Haring Riviel Qurugenn ay naparusahan si Avanie Larisla at ipinatapon sa Mizrathel; Ang lupain ng mga Exile. Samantala, apat na Kaivan ang tumulak papuntang Mordiven para makuha ang kaluluwa ni Chance at maibalik ang buhay ni...