Chapter 7

6.3K 405 113
                                    

Mordiven

Nagrupo ang apat na Kaivan sa kalagitnaan ng hindi mabilang na mga halimaw. Simula no'ng lumabas ang mga ito ay nagsimula na ring kumapal ang hamog sa paligid dahilan para hindi makita ng apat ang bawat kilos ng mga kalaban. Idagdag pa ang madilim na kalangitan.

Maliban kay Fahnee na kanina pa nanginginig sa takot, walang nararamdamang kahit anong pagkabahala ang tatlo.

"Focus Fahnee," wika ni Zaf sabay tapik sa balikat ng kaibigan. "Isipin mo na lang, kailangan nating tapusin ang lahat ng ito para makauwi na tayo."

"Sagabal ang hamog na 'to." Nilingon ni Rhilia si Fahnee. "Fahnee."

Agad namang kumilos si Fahnee. Itinnuktok niya ng tatlong beses ang hawak na staff sa lupa, naglabas ito nang malakas na hangin na tumangay sa makapal na hamog. Tumambad sa apat ang mga halimaw na ngayon ay nakapalibot na sa kanila, nagliliwanag na pula ang mata ng mga ito at lahat sila ay nakatuon ang pansin sa apat na Kaivan.

Humanda na sila sa magiging laban. Tumayo sila patalikod sa isa't-isa samantala unti-unti namang kumikilos ang mga halimaw paikot sa kanila.

"Ino, San, Jo!"

Tumango ang tatlo sa sinabi ni Rhilia. Alam nila kung anong ibig sabihin no'n. Para sa mga Kaivan na grupong lumalaban, mahalaga ang pagkakaro'n ng senyas para madali nilang matapos ang laban. Ginagawa lang nila ito sa tuwing napapasabak sa isang labanan na kung saan higit sa ilang daan ang kailangang kalabanin.

"Tandaan niyo, Ino ay depensa, San naman ay atake at Jo ay sabay-sabay na pag-atake." Hindi na kailangang magpaliwanag ni Rhilia dahil alam na ng mga kasama niya kung ano 'yon. "Kami ni Feer ang bahala sa mga Kabalyero, Fahnee, Zafalon, Lou sa inyo na ang lahat ng mga mahihinang kalaban."

"Masusunod!" sagot ng tatlo. Iginalaw lang ni Lou ang ulo.

"Nakahanda na ba kayo?" Tango ang naging tugon ng mga ito. "Kung gano'n... SAN!"

Tumalon patungo sa magkaibang direksiyon si Fahnee at Zafalon samantalang iisang lugar lang ang pinuntahan ni Feer at Rhilia. Ang kinaroroonan ng limang kabalyero. Agad na nagpalabas ng kidlat si Rhilia at pinatamaan ang mga ito, nakailag ang apat, natamaan ang isa. Nangisay ang buong katawan nito at walang buhay na bumagsak sa lupa.

Nagkatinginan si Feer at Rhilia.

"Hindi sila gano'n kalakas. Ibig sabihin..."

"Kailangan nating mahanap ang kumukontrol sa kanila."

Tumango si Feer bilang pagsang-ayon. Kung ganito kahina ang mga kalaban, ibig sabihin lang no'n ay hindi ang mga ito ang pinaka pinuno.

Sa kabilang banda.

Pinawalan ni Fahnee ang delikadong kapangyarihan. Nag-ala ipo-ipo ang mga talulot ng bulaklak at ang anomang madaanan nito ay naaagnas. Matapos no'n, itinaas niya ang staff at tumira ng magkakasunod na bolang apoy.

BOOM! BOOM! BOOM! BOOM!

Kada bagsak ng bolang apoy sa lupa ay tila bomba itong sumasabog dahilan para tumilapon ang sandamakmak na mga halimaw sa ere. Hindi niya hinahayaang makalapit ang mga ito sa kanya.

Pinalibutan siya ng lampas dalawam pung halimaw. Hindi gano'n kagaling si Fahnee pagdating sa malapitang laban kaya sa mga ganitong pagkakataon, medyo dehado siya. Buti na lang at mahina ang miasma sa hangin kaya magagamit niya ang mink na si Ping Ping.

"Ping Ping teleportation!"

Agad siyang inikutan ng mink at sa isang iglap ay napunta si Fahnee malapit sa kinaroroonan ni Zafalon.

QUINRA [Volume 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon