Chapter 15

6.4K 418 112
                                    

AN: Since I want the next chapter to be soooo long, I cut this chapter into a short chapter. Please don't be sad. Malapit na ang gera hahaha! Oh this week will be two updates. 

Kadiliman ang unang bumungad kay Avanie nang magising siya. Tahimik sa loob ng kwarto bagama't paminsan-minsan ay naririnig niya ang payapang paghinga ni Cien sa kanyang tabi. Hindi niya alam kung anong oras na pero mukhang hindi pa gano'n kalalim ang gabi dahil naririnig pa niya ang masisiglang tawanan ng mga nindertal sa kainan ng inn.

Kumilos siya para umupo tapos ay inayos ang pagkakakumot sa katawan ni Cien. Hindi gano'n kalaki ang layo sa pagitan ng Maurit at Mizrathel kaya kahit na hindi umuulan ng yelo, malamig pa rin ang klima.

Tiningnan niya ang natutulog na kaibigan. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala na isang Prinsesa si Cien. No'ng una silang magkita akala niya napatay niya ito. Pero kung nagkataon ngang napuruhan niya si Cien sa Heirengrad, siguradong luluha ng isang timba si Lyrad.

Wala siyang alam! Malay ba niya, lumabas lang siya sandali tapos pagbalik niya makakapulot siya ng isang Prinsesa! Ga'no ba kadalas mangyari ang ganitong bagay? Syempre sa mga libro lang 'yon nangyayari.

Iyong naganap sa hot spring ni Riviel? Kalimutan na nating nangyari. Pangit 'yon sa kalusugan!

'Sigurado ba kayong nandito ang target natin?'

'Walang duda. Kanina lang kinumpirma ng tauhan ko sa Mizrathel na bumyahe sila papunta rito at dito tumutuloy.'

'Saang kwarto?'

'Ikalimang pinto sa ikatlong palapag.'

Nagtaka at kumunot ang noo ni Avanie nang marinig ang usapan ng dalawang nindertal sa ibaba. Base sa naririnig niyang ingay ng mga kalansing ng kutsara at plato, kasalukuyang kumakain ang mga ito.

Wala naman siyang balak makinig sa usapan nang may usapan pero kahinahinala ang usapan ng dalawa. Lalo na't ang tinutukoy nilang ikalimang pinto sa ikatlong palapag ay ang kwartong tinutuluyan nila ni Cien!

Sinong talipandas ang gustong manggulo rito ng dis oras ng gabi??

Ayon sa isa sa kanila nandito ang 'TARGET'. Maaaring mga tauhan ito ng Hari ng Arondeho at mga nindertal na humahabol kay Cien o maaaring siya ang target dahil maraming galit kay Draul at nalaman ng mga itong may kinalaman siya sa isa't kalahating baliw na 'yon. O di naman kaya'y mga kaaway ni Riviel. Pinangalandakan lang naman kasi ng tangang 'yon na siya ang mapapangasawa nito sa buong mundo kaya ang resulta: Kaaway ni Riviel, kaaway siya!

'...Bakit halos lahat ata ng kakilala ko mga sakit sa ulo?'

'Kailangan natin 'tong gawin ng tahimik. Mamaya kapag tulog na ang lahat saka natin itutumba ang target. Gamitan niyo ng makamandag na lason para mabilis at walang ingay.'

'Lolo niyo lason!'

'Naiintindihan ko.'

'Hah! Mamaya ipaiintindi ko sa'yo na marami ka pang hindi naiintindihan! Balak niyong labanan ang Prinsesang 'to? Taas ng pangarap niyo! Tingnan ko lang kung hindi magkapalit-palit ang mga buto niyo.'

Nakangising kumuha si Avanie ng isang maliit na bote sa maji stone niya, binuksan niya ang takip no'n at itinapat sa ilong ni Cien ang bibig ng bote. Nang masiguro niyang nalanghap na nito ang usok nagmumula ro'n ay saka niya lang ibinalik ang bote sa maji stone.

Ngayon, sigurado na siyang hindi magigising si Cien sa loob ng labing dalawang oras. Tinapik ni Avanie ang suot na kwintas kasunod nito ay nabalot ng ilaw ang katawan ni Cien, unti-unting naging bilog bago pumasok sa loob ng kwintas.

QUINRA [Volume 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon