09:

377 12 0
                                    

Nangunot lang ang noo ni Bella habang nakatingin sa akin at sa weirdo kong reaksyon. Sumubo pa ng ilang piraso ng ubas at umiiling-iling. Her calmness is making me mad. Para bang nang-iinis ito. She's playing unfair again. Alam na alam niya ang sitwasyon ko sa ngayon. Alam na alam niya ang mangyayari ngayong gabi at iyon ay ang pagdating ni Gigi ngunit nandito pa rin siya na para bang walang pakialam. Prenteng-prente pa rin ang walanghiya.

"Bella, why the hell are you still here? Akala ko ba ay uuwi ka na? Are you serious right now?" Asik ko sa kaniya nang inis na inis ngunit sobrang hina. "You must be out of your damn mind-"

"Why are you talking so low while looking so mad-" Hindi niya na naituloy ang sasabihin niya dahil tinabunan ko ang bibig niya. Masyadong malakas ang boses niya.

"You are crazy. Gigi is here." Asik ko sa kaniya.

Her reaction is priceless. Kalmadong-kalmado ngunit para bang sa loob-loob nito ay natutuwa siya. She might even plan this beforehand to sabotage me. Malinaw na malinaw niyang sinabi sa akin kanina na aalis siya pagkatapos niyang paliguan si Chibi ngunit hindi.

"You're lying." Iyon lang ang sambit niya and gladly ay mahina lang naman. "Kanina pa ako rito sa kusina at wala akong narinig na Giging pumasok. Kung mayroon man, I should have heard noises."

"She is here!"

"No, you're lying."

"Bella! Hindi ako nakikipagbiruan. If she finds out you're here, I will be dead."

"Better-"

"Bella!"

"Joke lang, e. Hindi nga kasi kapani-paniwala ang sinasabi mo. Para ka kasing tanga riyan. It's hard believing on what you are saying lately ha? Marunong ka nang magsinungaling. It's unusual of you doing that. Ang sabi mo ay itinapon mo na ang mga gamit ko but here, look." She said and then itinuro ang suot niyang T-shirt. "Stop messing with me, stupid."

Napatigil ako. Hindi ko alam ang gagawin sa ngayon lalo na at sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Tama nga naman si Bella dahil ang suot niyang T-shirt na ngayon ko lang napagtanto ay isa sa mga dati at paborito niyang suotin. Iyong tipo ng damit na halos hanggang tuhod na niya. Yes, she is right. I was lying when I told her that I threw all of it. I just cannot do that, honestly. Maingat iyong nakatabi sa dati niyang kwarto. It doesn't even matter now how she found it out or even how she got inside that room again. May mas malaki akong problema na kinakaharap ngayon.

"You need to get out before she-"

"Why do you look so afraid?" She chuckled. "It is not as if we're cheating, Pierce. Sa reaksyong ginagawa mo, it looks like it. Well, unless…"

Kinalma ko ang sarili ko. This must be a dream. I hope that it will be this time.

"It's not that-"

"E hindi naman pala e bakit takot na takot ka? Para kang may ginawang kasalanan ah."

Tease Me, Bella BeatriceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon