44:

171 7 0
                                    

Ilang oras na akong nakatitig sa blangkong file na sinusulat ko.

"Draft Only." Iyon ang file name.

Napabuntong-hininga naman ako bago tumingin sa paligid habang inaayos ang sarili. Medyo nangawit na ako sa pagkakaupo ko rito sa bato habang nakalagay sa kandungan ko ang laptop ko.

"Cut! One more!"

Napangiti ako nang marahan nang marinig ko ang boses ni Gigi. Nagsho-shooting pa rin kami rito sa isla. It has been two nights since that heavy talk we had and it's fine until now. Walang awkward tension or so. Nasa kubo pa rin ako natutulog and no one can even notice the breakup we did. Kalmado at tahimik na pahinga lang ang ginawa namin. Akala nila ay busy lamang kami pareho, si Gigi dahil last scenes na ang gagawin nila and it's a wrap, ako dahil nagsusulat.

I am distracted though. Kahit na mukhang abalang-abala ako sa pagsusulat, ang totoo niyang ay tumitipa-tipa lang ako na walang kabuluhan kaya nagmumukha akong seryoso. No one even dared to question me since they know I should not be bothered with my ideas at nakatulong iyon. It is like a smart move. To pretend we're both busy that everyone doesn’t even notice it.

"Ayon."

Napapitlag ako sa medyo pagkagulat. Sumulpot na naman si Shea nang hindi ko namamalayan kaya naman napapikit ako sandali para kalmahin ang sarili. Muntik ko na siyang mamura kung hindi lang ako nakapagpigil. She's now looking at me in her suspicious eyes. Para bang may hinahanap sa akin.

"What?" Tanong ko sabay buntong-hininga.

"I can't help but to feel awkward, Mr. Zurita."

"What do you mean?"

"You and direk. Something is off." She said na mukhang nag-iisip pa.

Umayos din ito ng puwesto nang maupo siya sa tabi ko. Hindi pa rin maalis ang nagtataka nitong mukha na animo ba ay isa na namang detective. Detective ng chismis. She is very good at detecting that sort of stuffs and information. Dapat pala rito e sa kapatid ko na lang ipinasok ng trabaho. Her skills would be great for the entertainment news for sure.

"There is something off. I can feel it." Pagpapatuloy niya. I've been sharing the same hut with the two of you at kahit alam kong kami lang ni direk ang natutulog at magkatabi sa papag tapos doon ka sa labas, it's a different kind of air this time. Iyong totoo, nag-away na naman kayo ano? Let me guess. Kasalanan mo ulit?"

"Ulit? That's mean."

"So kasalanan mo nga?"

"Mukha bang ako lagi ang may kasalanan kapag mag-aaway kami ni Gigi? Ikaw na bata ka makaltukan kita riyan makita mo. I am even confused why the hell you're talking to me and acting as if we are close enough to go this kind of topic."

I hissed at her, but she didn't even care. Nakatingin pa rin siya sa akin at naka-make face. Iyong tipo ng mukhang gagawin niya kapag makikita niya ang sinungaling niyang kaibigan na nagkukuwento at siya ay nakikinig yet she already knows what the truth is. Nagbago na naman ang confusion ko. The last time I confirmed, she's still a kid. Ngayon ay nakikita ko na naman ang adult at mature niyang side. Maybe she is a kid adult if that's a thing.

Tease Me, Bella BeatriceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon