Gigi stayed with me all the time. Kagaya ngayong umiiyak pa rin ako at humihikbi. Kahit na basa na kami pareho at malamig ang tubig, hindi niya binitawan ang pagkakayakap sa akin. I know it's hard and painful for her to see me like this and her emotions are being shattered into pieces knowing that she is my woman yet I'm crying for another woman's love. Sobrang sakit sa amin parehas nito lalo na sa kaniya. Alam na alam ko at ramdam na ramdam ko iyong bigat kahit hindi niya sabihin.
Babae siya. Nagmamahal.
And it's so disrespectful for me to do her like this. Kahit na alam kong sobrang lawak ng pang-unawa niya, I still cannot express how sorry I am for making her feel this way. I cannot take another hit so I'm surrendering to her. With her patience and with her love because I know I am in safe hands.
She's my home now. My haven.
"Baby, why are you always so good to me?" Mamaya-maya ay tanong ko sa kaniya.
Umayos na rin ako muli sa pagkakatayo ko. Hindi na nakasiksik sa kaniya ang mukha ko ngunit ako na ang nakayakap sa kaniya. I am the one protecting her with my hug and giving her my warmth. Hindi man malakas ngunit alam kong umiiyak na siya. She's breaking down seeing the both of us in this situation.
"Baby, sobrang mahal kita." I continued. "Alam mo naman kung anong trauma ang binigay sa akin ni Bella and how she made me the man I am today. Kaya sorry kung hindi ko agad siya mabitawan kahit ilang taon na ang nakalipas. Kasi the last time I checked naman, I was okay. But time after time, it somehow feels heavy. Sobrang thankful ako sa'yo for patiently unloading all my baggage with me."
She's not answering. Nakasiksik lang siya sa dibdib ko ngayong basa rin. She doesn’t care if she's wet as well. Basta nakayakap lang din siya sa akin. Hindi ko na rin naman siya pinapasagot. Mas gugustuhin kong makinig lang siya and that's what she's doing right now. She knows when to speak and when to listen.
"I know most of the times, in social life and real life, lagi kang tampulan ng comparison and the word rebound to fix me. Panakip-butas sa sugat na iniwan ni Bella-"
"Please stop." She cut me. Now I am hearing her silent sobs. Mas humigpit ang pagkakayakap niya sa akin na para bang ayaw akong bitawan. "I'm so tired of hearing her name, baby. Sobrang napapagod na akong marinig 'yong pangalan niya sa relasyong ito."
After that, she burst out of tears. Ramdam na ramdam ko ang mainit na luha niya sa dibdib ko at dinig na dinig ko ang iyak niya. I hugged her tighter because she's standing weak. Para kaming mga batang nag-iiyakan. Para kaming mga musmos na nasasaktan sa reyalidad at katotohanan.
"Tama na, Pierce. Please." She keeps on saying. "Ayaw ko nang marinig 'yong pangalan niya."
"I'm sorry, baby." Sambit ko saka mas lalong hinigpitan ang yakap sa kaniya.
She's trying to be strong. Mayamaya ay nararamdaman ko ang kamay niyang pinapalo ang dibdib ko ngunit walang nangyari. She's too weak from her emotions to even hurt me a little. Siguro ay gustong-gusto niyang maglabas ng sama ng loob kahit na sa paghampas man lang sa dibdib ko dahil sa binibigay kong sakit pero hindi niya na kaya. Mas lalo akong naiyak. I held her the tightest just so she would calm down. Sobrang nasasaktan ako sa iyak niya. Sobrang hindi ko kinakaya na makita at marinig siyang ganito. Kasalanan ko ito. I made her feel and cry this painful yet all I can do is to hug her tight.
BINABASA MO ANG
Tease Me, Bella Beatrice
Romance"Did you miss having sex with me, Pierce? Because I did." ©️2022