"Mama, we're home!" Si Gigi na excited na excited ang pagpasok sa bahay. Nakita ko naman ang tuwang-tuwang pagsalubong sa kaniya ni Mama. "Sorry po kasi medyo natagalan. Something came up at work kaya ayon. Saka isa pa po, hetong si Pierce e tinatamad daw umuwi. Inaaya ako nang inaaya na sa bahay na dumiretso. Balak ka pa yatang i-ghost, Mama."
"That's fine, anak. You're here." Mama hugged her back bago ito tumingin sa akin nang masama. "Hayaan mo 'yang pangit na batang 'yan. Palibhasa e busy sa trabaho niya kaya ayaw pumunta rito. Hayaan mong marealize niyang mali siya sa susunod lalo na kapag nagkaanak na kayo."
"Opo nga, e. Alam mo ba Mama kung hindi ko pa pilitin hindi talaga siya pupunta rito. Akala mo palagi n'yong inaapi rito kapag nandirito siya."
Napapailing na lang ako habang pinapanood silang dalawa na harap-harapan akong pagkaisahan. They do not even care that they are talking negative about me which kind of hurt a little. Well, at least they are not backstabbing me. They are front stabbing me if that makes sense. Napailing na lang akong pumasok sa loob saka dumiretso ng pag-upo sa sala. I saw Mama and Gigi walking happily. Pupunta ang dalawang iyon sa kusina at alam na alam ko na naman ang gagawin nila. Girl time.
Since it's not that late, hindi pa raw nakakaluto si Mama. Automatically she'll cook with Gigi, but Gigi will just literally be there watching, doing nothing but laughing with her. Ewan ko ba sa dalawang iyon at hindi nauubusan ng pag-uusapan. Kulang na lang ay itakwil ako ng sarili kong nanay at si Gigi ang ipalit sa akin. That is the level of closeness they have.
"Oh, you're here?" Nakakunot ang noo ko nang makitang may pumasok not even a minute have passed. Medyo humihingal pa itong naglakad at mabilis na naupo sa tabi ko. Pagkatapos noon ay tinapik pa ako sa balikat. "Pinapunta ka rin ni Mama?"
"Obviously." He hissed. "Ewan ko ba riyan kay Mama e parang baliw. Akala mo naman hindi ako nagpupunta rito weekly."
"Tss. Hayaan mo na. Matanda na kasi wala nang magawa sa buhay niya, e."
Sabay kaming napabuntong-hininga ni Jordan. My brother who is in the journalism field of work as well. Siya ang tumawag sa akin noong isang araw. I don't know why Mama want him here though.
"Si Wancho? Huwag mong sabihing pinapapunta rin dito ni Mama ang isang iyon?"
"No. They're on Coron. Kasama niya girlfriend niya."
Napatango na lang ako sa sinabi ni Jordan. Wancho is our only cousin. He is just 23 and living his best life. Graduate na kasi at pinakaeenjoy ang kaniyang buhay which is good. Wala pa siyang trabaho but he is getting paid for living his life. Kung hindi ako nagkakamali, he is a travel blogger. He visits places, experience it, and write it. Kaya ayon, it must be his calling since the day he was born. Ewan ko baka nasa genes namin ang pagsusulat dahil tatatlo na nga lang kaming magpipinsan ay puro pagsusulat pa rin ang trabaho.
It sounds cool though.
"Alam mo naman ang isang iyon kahit pauwiin ni Mama e hindi mo mahagilap. Kahit nga si Tita Solenie nga mismo e hindi mapauwi ang anak niyang iyon. E tayo na malapit lang kaya naman ganoon na lang tayo kadaling mapeste sa pag-uwi." Dugtong pa ni Jordan. Sandali pa nga siyang luminga-linga sa bahay. "Speaking of Tita Solenie, pinapapunta tayo roon next month ah. Pipilitin niya raw umuwi si Wancho para sa birthday niya. Wait, sandali lang. Bakit parang may kausap si Mama sa kusina?"
BINABASA MO ANG
Tease Me, Bella Beatrice
Romance"Did you miss having sex with me, Pierce? Because I did." ©️2022