50:

189 7 0
                                    

"Anong shot? Baliw baka gusto mong maging manginginom 'tong baby ko." Gigi chuckled as she looks at us placing the food on the table she's sitting next to. Kitang-kita sa mata niya ang excitement habang nakatingin sa mga pagkain. "Oh, may alak pala talaga. Galing ah balak n'yo yatang gawing bar 'tong office ah."

"Medyo lang, direk. Napaka-OA mo naman. May trabaho na bukas e so hindi puwedeng may hangover. Well, puwede naman pala pero baka iba ang masabi ko sa shooting kaya kaunting inom lang ang gagawin namin ni Mr. Zurita ngayon." Sagot ni Jackson. "Oo nga pala, I haven't had the chance to congratulate the both of you. Congrats sa baby n'yo."

"Thank you."

"Sana all talaga. Tss."

"Gawa ka ng bata. Sa dami mong naging girlfriend e wala kang naanakan? Hina mo naman."

"Tse! Tigilan mo nga ako direk napakayabang mo."

Natatawa na lang ako habang nakikinig sa kanilang dalawa. They really are so close na mapapagkamalang magkapatid sila. Hindi naging ganoon ka-awkward ang daloy ng mga usapan sa kabila ng mga nangyari sa amin. Sa ngayon, we started drinking. Bumili lang kami ng dalawang bote ng alak para sakto lang iyong tama. Si Gigi naman ay tuwang-tuwa lang na nakikipag-usap sa amin habang kumakain. Napakacute niya pa nga at parang batang binigyan mo ng kendi. Her long nails are what she's using as her fork to some of the food. Pabilog ang mesa kaya naman technically ay magkakaharap pa rin kaming tatlo sa ngayon. Walang napapag-iwanan. Lahat kami ay magkakaharap.

"Actually, Mr. Zurita…" Mayamaya pa ay sambit ni Jackson. Iyon na ang umpisa ng usapang gustong-gusto niyang buksan kanina pa. "I came here to talk to you again. Ewan ko kasi wala rin naman ulit akong specific na sasabihin o ireresolve between the two of us pero nandirito ulit ako. Mabuti nga nandito rin si direk, e. Hindi ako mahihirapan masyado."

"I know. Alam ko ang ibig mong sabihin."

Sandali kaming natahimik maliban kay Gigi. She's vibing on her own with her food. Kami lang ni Jackson ang seryoso rito. It doesn't matter naman kung maririnig ni Gigi ang mga pag-uusapan namin kasi we really hope she'll butt in here, too. Mas maganda kasi talaga magbigay ng opinyon si Gigi. Tinatama niya mga maling desisyon namin sa buhay. Inaayos niya iyong magulo naming utak. Kumbaga, she is a great translator of rational thinking since ako naman e hindi rin kadalasang nahihirapan sa pagtranslate ng emotions ko lalo na sa kaniya. Hetong si Jackson lang ang poproblemahin namin. Mukha kasing may balak na maglasing nang sobra.

"So, ayon nga." Jackson heaved a sigh. "Hindi na kami nag-uusap ni Bella since the first night we fought. Siguro mga apat na araw na rin. I don't really know what to do. I don't even know what exactly my place is in her life."

"Ahm isn't that so wrong?" Si Gigi. Hawak-hawak pa nito ang chiken wing habang nakatingin sa aming dalawa. "Baliw ba kayo?"

"Why? What do you mean?"

"You both are stupid. Jackson, isn't it wrong na isangguni mo kay Pierce ang problema mo dahil alam natin pareho kung sino iyon? And Pierce, isn't it wrong to-"

"No. Walang mali, direk. Huwag kang ano riyan. We must talk about it so we would really know what and how we should feel about it now. Kumain ka na lang riyan."

Tease Me, Bella BeatriceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon