Malalim na buntong-hininga muna ang pinakawalan ko bago ako lumabas ng kubo. Sinigurado ko munang maayos na ang tulog ni Gigi at Shea bago ako tuluyang umalis. Madilim na sa paligid dahil alas diyes na ng gabi. Halos tulog na rin ang mga kasama namin sa mga kubo sapagkat napagod silang lahat sa trabaho nila pero heto ako ngayon at papunta sa usapan namin ni Jackson.
Hindi naman mahirap hanapin si Jackson. Naglalakad pa lamang ako ay kita ko na kung nasaan siya. Nasa harapan siya ng maliit na bonfire at makikita sa kamay ang bote ng alak. Sa hitsura niyang kalmado ay may nararamdaman pa rin akong kakaiba. Kinakabahan ako sa magiging takbo ng usapan namin ngayong gabi sa totoo lamang. Hindi pa rin ako nakakamoved on sa rebelasyon nilang mayroon ngang sila ni Bella at ngayon naman ay mag-uusap kami ni Jackson. I can understand and I have a hint of what we have to talk about tonight. He said it clearly earlier, too. Si Bella ang topic namin at ang relasyong ito. It was a relief that he even asked for Gigi's permission, and she understands.
"Kanina ka pa?" Tanong ko nang medyo makalapit ako sa kaniya.
Agad naman akong tiningnan Jackson at mukhang inaasahan na talaga niya ang pagdating ko. He shrugged and signed na hindi pa naman. Umiling lamang kasi ito saglit saka itinaas ang kamay niyang may hawak na bote ng alak.
"Ikaw?"
"No thanks. I'm good. Hindi ko trip ng alak ngayon."
Tumango lang naman siya ulit. Matapos iyon ay parehas na kaming nanahimik. Naupo na rin ako malapit sa kaniyang tabi. It seems like we are both aware of the silence we must share tonight before finally talking it out. Mukha namang aware kami pareho na kailangan muna naming damahin ang katahimikan.
Sumimsim ng alak sandali si Jackson habang nakatingin sa bonfire. Seryoso lamang at tahimik pa rin. Hindi ko naman siya pinilit o dinali-daling magsalita bagkus ay naghintay kung kailan handa na siya.
"Bella is still in love with you, Mr. Zurita." He said after some time then had a big sip of his alcohol. "Sa totoo lang, I really do not know kung ano ang pumasok sa kukote ko at sinabi kong dapat tayong mag-usap. Wala naman talaga akong sasabihin or is it just a wishful thinking that if we seat here by ourselves, man to man, the conversation will just be normal. Ewan ko ba."
Hindi naman ako sumagot. Tumango nang marahan saka bumuntong-hininga muli. Sa sinabi niyang iyon ay ramdam ko ang pagkalito at hinanakit niya. Nang dahil doon ay kinuha ko na rin ang isang bote ng alak na kanina ay inaalok niya sa akin. I surely need this right now.
"I don't know but it weighs heavy in me knowing the woman I am in a relationship with isn't fully mine. Aware naman ako pero hindi ko pa rin maiwasan. I evaluated this with myself, and I know for a fact that this is not just my ego talking. It's my heart and mind being rational. Pero most of the time, iyong puso iyong nauuna." He continued. He even smiled before continuing. Nakatingin lang ako at nakikinig sa kaniya na walang balak na tumingin sa akin. "I mean it's normal, right?"
"Yes. Normal naman iyon kasi nagmamahal ka."
"But is it normal for her to be that unfair?"
"Bella is a complex woman. What she says is what she meant. Binalaan ka naman niya siguro kung ano talaga ang nasa isip niya so hindi mo rin mailalagay sa kaniya lahat ng sisi. She is an honest woman. Hindi naman talaga siya mahirap intindihin sa mga bagay-bagay because she speaks her mind clearly. She knows what she wants."
BINABASA MO ANG
Tease Me, Bella Beatrice
Romance"Did you miss having sex with me, Pierce? Because I did." ©️2022