52:

183 6 0
                                    

"Good morning." I heard Gigi's voice as I felt her lips on my right shoulder. Naalimpungatan ako at agad siyang tiningnan. She is giving me this good morning look and a smile. "You need to get up. It's already eight. Darating na ang mga crew dito tapos at ten mag-uumpisa na ang shoot."

Agad kong napagtanto ang nangyari. Oo nga pala at wala kami sa bahay at nandito kami sa office niya natulog. Marahan ko lang siyang niyakap sandali habang tinitingnan ang paligid. Malinis na ang pinag-inuman namin ni Jackson. Nakaayos na ulit ang mesa and all the papers that were originally on it. Walang kalat at malinis na malinis na. Gigi is also on her daily make-up look and she smells really nice while I smell disgusting. Natulog pala akong lasing at hindi na nakapaglinis ng katawan. Bihis na bihis na rin siya at mukhang kanina pa ako hinihintay na magising.

"I'll go and get us breakfast habang nagpeprepare ka ng sarili mo. I already prepared all your stuffs kaya puwede ka nang maligo." She continued.

"Good morning, baby." I said. "Ang bango-bango mo naman. Kanina ka pa gising?"

Obviously, I know the answers to what I ask her about, but I just really want to talk to her and be soft. I just like the feeling of her talking to me so good.

"Yup. I got up at five thirty kasi ginising ko si Jackson. Siya ang pinagligpit ko saka ko siya pinauwi. Mabuti nga at hindi na nagreklamo." She chuckled. "Anyway, anong oras kayo natapos mag-inom kagabi? Hindi ko na namalayan e ang sarap ng tulog ko."

"I don't know, baby. Siguro mga close to midnight na rin. I remember Jackson na kumuha ng pangsapin sa sahig tapos humiga na rin, e."

"Yeah. He was laying like a dead praying mantis this morning when I woke him up. Nakakatuwa nga hitsura niya sayang hindi ko napicture-an."

Natawa ako nang bahagya sa pagtawa niya. Someone's having a good morning start. Her mood is contagious. Mga ilang minuto pa akong nanatiling nakayakap sa kaniya bago ako bumitaw.

"I should get ready now. I don't want people seeing me like this. Baka sabihin nila na ginawa na nating bahay itong office."

"I own this place. I can make this my home." She shrugged. "Sige na maligo ka na para pagbalik ko diretso kain na tayo ng breakfast, okay?"

"Yes, madame."

Iyon lamang at saka sumunod na ako sa utos niya. Nagdiretso ako sa bathroom para mag-ayos ng sarili habang siya ay nasa labas. She just asked me what I like for breakfast and then she immediately goes. Ang sabi ko lang e something with soup dahil gusto ko ng mainit sa sikmura.

I am minding my business for minutes. Nakapag-ayos naman ako ng sarili ko bago pa man makabalik si Gigi. Binilisan ko talaga para naman makapagligpit din ako ng mga pinaghigaan namin at maging presentable na. Bumalik si Gigi na may dalang dalawang paper bags. Medyo malalaki kaya naman agad ko siyang tinulungan.

"Oh, it's hot."

"Yeah. Dali kain na tayo habang mainit pa."

Excited na excited na siya sa pagkain kaya naman hindi na rin kami nagpatumpik-tumpik pa at hinatulan na iyon.

Tease Me, Bella BeatriceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon