"So, 1.82 million in pesos?" I asked her as I compute it inside my mind. "Tama ba? Teka magkano ba kasi ang currency exchange ng Philippine peso ngayong araw? Para kasing tanga e hindi na lang sabihin kung magkano at pinapahirapan pa ako masyado. Dati ka bang baliw?"
"Oo. Dati nga akong aswang, e. Hindi ka ba nainform?" She hissed at me. "Oo, siguro. Ewan ko rin kung magkano, e."
Muntik na akong matawa nang malakas sa sinabi ni Maymay. She being clueless is kind of funny to me. Sinong tindera ba ang isang ito ang hindi alam ang presyo ng binibenta niya? And what's even worse is the fact that she sells millions. She sells luxury jewelries and here she is still clueless to how much exactly it costs.
"Alam mo sira talaga ang tuktok mo."
"E kasi hindi naman ako nagtitinda madalas. Awra-awra lang ako rito minsan. Ganern ba. Saka isa pa, malay ko ba riyan talaga eh ganda lang ambag ko rito." she even flipped her hair. "Iniwan ko nga sa mga babysitters ang dalawa kong anak para i-meet ka rito tapos papahirapan mo pa ako magkuwenta. Ano ka? Gold? Galing mo naman, aswang."
"This is your store, isn't it?"
"Oo, amin nga ito pero hindi naman ako ang nagtitinda kaya bahala ka riyan." She said saka bumaling sa nakaunipormeng babae. She is one of the staffs in here. Nakangiti pa nga ito sa amin at ang ngiti niya ay nagbibigay ng friendly aura. Well, she should be because it is one of the qualities and nature, she should possess in her job. "How much is this, Ms. Clio?"
"1,820,000 pesos po, Mrs. Kai."
"Oh, tama ka pala aswang. Credit or cheque?"
"Card." I said nang napapailing.
Kinuha ko lang sa bulsa ko ang aking wallet saka inilabas doon ang aking credit card at iniabot iyon kay Maymay. Kinuha niya naman iyon at saka iniabot din sa staff niya. Nakangiti na parang bata. She is even playing with her fake nails. I don't know why women likes the sound of it.
"Receipt? Huwag na. Ako na magdedesisyon." She even hissed na ikinailing ko. "Ms. Clio, no need for receipt. Huwag mo kaagad ilagay ah. Hindi pa tayo tapos."
I couldn't believe her. Sira talaga ang tuktok ng isang ito. Daig mo pa ang nakahithit ng katol. I fully understand why her husband and his family are so fond of her. It's because she is a pure soul. Nothing changed on her bubbly persona and vibe.
"So, kailan ang kasal?"
"Wala pang fixed date. I'm just proposing, kurdapya."
"Ay naks. Binata na talaga 'tong iyakin na 'to oh. Anyway, hindi mo titingnan muna ang singsing bago natin ilagay sa box saka kunin 'yong counterpart?"
"Oh, speaking. Can I?"
Tumango siya. Siya na mismo ang nagturo sa akin ng singsing bilang imbitasyon na hawakan ko iyon at tingnan nang mabuti. Samo't saring emosyon ang nararamdaman ko ngayon. My nerves are trembling. Heto na 'yon, e. I will put a ring on my woman's finger after a year and a couple of months. Finally, matatawag ko na siyang asawa ko soonest. I have waited for this long enough. Never in my wildest dream that my fantasy of marrying the woman of my dreams will come true. Well, life is so mysterious. Now here I am picking out the best ring I can put on her finger myself. Nakakatuwa na nakakakaba.
BINABASA MO ANG
Tease Me, Bella Beatrice
Romance"Did you miss having sex with me, Pierce? Because I did." ©️2022