57:

210 7 0
                                    

We stayed crying for minutes on the same position. Walang nagsasalita at panay pag-iyak lang ang maririnig sa amin pareho. Ibinubuhos lang namin iyong mga nararamdaman namin. Pinapakawalan kagaya ng mga luhang nag-uunahan sa pagtulo sa ngayon. Finally, after many more minutes ay kumalma na kami pareho. I kissed her forehead multiple times as I wipe off her tears. Nakatingin lang naman siya sa akin nang tahimik. Siguro ay nag-iisip at hinihintay ang sasabihin ko. Siguro ay wala nang masasambit kung hindi ang tahimik na pagtingin sa akin.

Sobrang nasasaktan ko na siya.

"Mahal, hindi tayo bibitaw ha?" I asked her gently habang pinupunasan ang mga luha niya gamit ang hinlalaki ko. "Napapagod lang tayo pero hindi tayo susuko. I know na kasalanan ko and I am going to be better. You deserve so much better but I don't want you away from me so I will be better for you. Kaya please, walang bibitaw hmm?"

Hindi siya sumasagot. Nakatingin lang siya sa akin habang pinupunsan ko ang mga luha niya.

"I cannot promise not to hurt you again kasi sabi mo magkakasakitan at magkakasakitan tayo kahit iwasan natin pero I can promise na I will do better to keep you and love you whole. Mas mamahalin kita palagi. I will make sure to pour my attention, love, and time to you all the time. I will not make you feel things that you hate to feel again. Gagawin ko iyong best ko. Gagawin ko lahat ng mga bagay na deserve mo."

Umiling siya muli nang marahan. She's still fighting the urge to burst on tears again and again.

"Kaya pa ba nating ilaban 'to?" She is tired and weak asking me that question.

"Kayanin po natin. Mahal na mahal kita, e. Ikaw na iyong pahinga ko. Magkakaroon na tayo ng baby, e. Mag-uumpisa na tayo as a family of three. Ngayon pa ba tayo bibitaw? Please, stay with me."

She looked down for a bit before looking at me again. Maya-maya ay namamalayan ko na ang kamay niyang pinupunasan naman ang mga luha ko kagaya ng ginawa ko sa kaniya. She is looking straightly on my eyes, and I can see she's mirroring it. Binabasa niya ang mga mata ko. Sinusubukan niyang alamin kung totoo nga ba.

"I had spotting the day before I got a check-up. It was an emergency. I was afraid I'll lose our child that fast, and you are not there to hold my hand. Sobrang natakot ako noong nagpachek up ako kasi wala ka roon. I told myself na please huwag naman kasi masasaktan ka na naman nang grabe. I prayed hard to Him na sana this time, ibigay na 'to ng buo." She cried again. We both cried again. "And thank God ang sabi ng doktor, okay na raw pero huwag akong masyadong maistress at madadala ng sobrang emosyon dahil baka magspotting na naman and that would be dangerous."

I cannot find the words to reply to her lalo na at sobrang genuine ng mga tingin niya habang pinupunasan ang mga hindi nauubos kong mga luha.

"I'm sorry, mahal. I'm sorry. That's all I can say."

Sumiksik na lamang ako sa dibdib niya and gladly she finally held me back. She is now tapping my back as I cry to her and plead. Tinanggap niya na ako muli sa yakap niya.

"I'm sorry."

Tease Me, Bella BeatriceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon