55:

202 6 0
                                    

Katahimikan ang sumalubong sa aming tatlo sa sala. Sobrang tahimik ni Papa kaya naman wala kaming lakas ng loob ni Jordan na mag-imik. Ang walanghiya pa ay kinakalabit ako para kausapin si Papa. Ngumunguso pa para isenyas na basagin ko na ang katahimikan.

We're just sitting here for maybe two to three minutes. Si Papa ay nakaupo sa solong sofa tapos kami ni Jordan sa mahabang sofa na kaharap niya. Nakaready na rin ang wine ngunit hindi kami ready ni Jackson. Maybe ay ako lang.

"Tititigan na lang ba natin ang alak na iyan?" Tumikhim si Papa.

Agad naman kaming kumilos ni Jordan. Muntik pang magkabanggaan ang wine glass dahil sa pagiging aligaga namin. Although it seems like sa akin lamang ito galit at dismayado, Jordan is also feeling the tension. Alam niyang magigisa rin siya rito bago kami umuwi.

"Shot, 'Pa." Sambit ko.

Tiningnan niya lang ako. Kinuha ang baso saka sumimsim doon. Kami rin ni Jordan ay ganoon ang ginawa. Ang pagkakaiba lamang ay para kaming mga batang natatakot lamang kaya napipilitang uminom ngayon. We're adults now yet the fear we feel when he is in this mood is next level. Alam na alam kong masasaktan kami sa mga katotohanang sasabihin ni Papa.

"Jordan," Pag-uumpisa ni Papa. "Bakit ka biglaang naparito? Why did you suddenly want to get out of your house this evening?"

Jordan sighed. Marahang sumimsim ng alak habang mukhang nag-iipon ng lakas ng loob para sagutin ang tanong ni Papa. Hindi naman nagtagal ay sumagot na rin siya.

"Nag-away kami ng asawa ko 'Pa, e." Pag-amin nito. "Nakakasawa minsan kaya kailangan kong umalis din kahit kaunting oras lang. Nakakapagod kasi."

"It's your fault, isn't it?"

"Yeah. Aminado naman ako na kasalanan ko, 'Pa. Nagpapalipas lang ako ng galit niya tapos babalik din naman agad ako."

"What did you do?"

"Nakalimutan ko 'yong pinangako kong date sa kaniya. Dalawang beses na." He sighed. "We have plans of going on a date pero dahil sa trabaho tapos inaasikaso pa namin ang bata, ayon medyo nawala na sa isip ko. I'm always working out late and she's overthinking. Baka raw kung ano-ano na ang ginagawa ko sa office."

"Baka naman meron nga." Sulsol ko nang kaunti. "Malay natin."

"Magtigil ka nga." Agad na asik ni Jordan sa akin. "Wala sa hilatsa ko ang magloko ah. Baka ikaw lang."

"Tss. No way."

"Hindi mo binibigyan ng oras ang asawa mo? Tinitipid mo sa pagmamahal?" Seryoso si Papa lalo kaya agad kaming natigil sa pagbibiruan ni Jordan. "Mali."

"Hindi naman sa tinitipid, 'Pa. Alam naman niyang nagtatrabaho ako para sa kanila ng anak namin."

"Magtrabaho ka pero huwag mong kalimutan iyong tunay na dahilan noon. Iyong tunay na mahalaga kaya ka nagtatrabaho. What is your goal? To make them happy. To provide for them. Balance it. Provide for them without neglecting the fact that you need to spend time with them as much as you do."

Tease Me, Bella BeatriceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon