58:

229 9 0
                                    

"Baby?"

Iyon kakaagad ang tanong ko nang magising ako kinabukasan at hindi agad makita si Gigi sa tabi ko. Her things are not anywhere to be found that are usually just laying around. I panicked as soon as I wake up because I thought she left. Mabuti na lamang at nakita ko pa ang mga mahahalaga niyang gamit sa bahay. Kumalma rin muna ako bago maupo at mag-isip nang maayos. Oo nga pala at sabi niya ayon sa narinig ko kagabi ay babalik siya sa trabaho dahil sa tantiya ko ay may mali at may nangyaring hindi inaasahan. I heaved a deep sigh as I throw myself on the bed.

Bakit hindi man nagpaalam o kahit na nag-iwan ng text na lang siya umalis na siya?

Nakakabaliw. Nakakasira ng sistema na sobrang layo na talaga ni Gigi sa akin. Ang aga pa naman. It's just seven thirty in the morning at umalis na agad siya. Hindi ko man lang namalayan. Ilang minuto muna rin akong nakipagtitigan sa kisame bago bulabugin ng tunog ng cellphone ko. Pangalan ni Jordan ang rumehistro sa screen na agad kong sinagot.

"Why?"

"Why are you so stupid?" Iyon ang sagot niya sa tanong ko.

"I really don't know. Hindi ko rin alam."

"So inaamin mo na tanga ka nga? Well, matagal ko naman nang alam. Anyway, come to the house this coming Tuesday with Gigi. Anniversary namin ni Liah, 'di ba?" He is excited. "Bring me a bottle of our favorite."

Iyon lamang ang sinabi niya saka binabaan agad ako ng tawag. Ni hindi man lamang ako binigyan ng pagkakataon na umapila o magtanong pa ng kahit ano. He did not give me any choice but to technically say yes to his invite. Hinayaan ko na lang saka bumuntong-hininga. I should get going on my day. Kumuha muna ako ng lakas ng loob mula sa mga motivational prose and poetries na nababasa ko before it actually sink in that I can no longer do this anymore. Ayaw ko nang malayong-malayo sa akin si Gigi. I want to fix this once and for all. Gusto ko nang bumalik ang dati.

Naligo lamang ako matapos kong magkape. Nag-ayos ng sarili at ngumiti sa salamin bilang pagbibigay motibasyon sa gagawin ko ngayong araw. I will go to Gigi at her work and talk to her. I know it is too weird for me to do that since uuwi naman siya mamaya but I cannot help myself. Hindi na ako mapakali. Hindi ko na kakayaning maghintay pa ng ilang oras para makausap siya at magbati kami.

I need to do it now.

Walang pagdadalawang isip akong nagmaneho. I stopped for three big bouquets of red, white, and yellow tulips on the way with her favorite sunflower. Siyempre ay hindi mawawala ang paborito niyang snack. Her cake. Siyempre ay mas pinili ko ang kulay yellow na may aktwal na disenyo ng mirasol. I am all smiles while driving.

Hindi ko maipaliwanag ngunit sobrang lakas ng adrenaline rush ko. Gustong-gusto kong makita si Gigi and hug her so bad because I miss her so much. Hindi na ako makapaghintay. Nawala lang ang pagngiti ko nang makita ko ang pangalan ni Editor Star sa screen ng cellphone ko. I watched it ring two times before answering her.

"What?"

"Congratulations!" Halos tumili ito na ikinangiwi ko. Napakatinis ng kaniyang boses. Napakalakas pa. "Have you seen the news article?"

Tease Me, Bella BeatriceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon