Napakamot na lang kami ni Jackson sa ulo nang tuluyan na ngang magtungo si Gigi sa parte ng office kung nasaan nakaayos ang higaan. Nang mapatingin kami ni Jackson sa isa't isa ay sabay kaming napalagok sa aming inumin. Nadamay pa talaga ako.
We had a silent drinking for minutes before we both broke the silence. Siguro ay dahil medyo tipsy na rin sa alak kaya naman nakakuha na kami parehas ng head start sa lakas ng loob na tuluyang mag-usap at linawin ang mga bagay na bumabagabag sa amin. The fact that I can feel our frustration right now makes sense.
"So, what's your plan?"
Sa wakas ay ako ang naunang magsalita. Sandaling tumingin naman sa akin si Jackson. I think he is trying to understand in which area I am really pointing about. Sandali rin lang naman na nagtagal ang kaunting pagkalito niya at tumango na rin.
"Keep on pursuing her."
Ako naman ang napatango nang marahan. Muli akong sumimsim sa iniinom ko. That's exactly what I wanted to hear but somehow, it feels a little disappointing. Parang ayaw kong marinig iyong sagot niya pero iyon ang dapat.
"You should."
"Sa tingin mo Mr. Zurita kapag ipinagpatuloy ko ang pagpursue ko sa kaniya, would it be worth it?"
"Bella is worth it. She always is."
"Yeah. Iyon naman talaga ang plano ko. I just really want to know both of you and direk's perspective. Plano ko naman talagang hindi siya sukuan at intindihin siya palagi. And I know for sure she will be worth it." He replied. "Pero anong gagawin ko? She's not responding to my messages and calls. Ayaw niya ring makipag-usap sa akin."
"Marupok iyon. She'll give in to you if you pursue her enough." I said. "I really hope and pray na ikaw na talaga ang lalaking para sa kaniya, Jackson. It might be awkward coming from me, but I hope you both the best. She deserves so much. So, if ever na magwork nga kayo, what's your plan?"
"Sa future? I still don't know. Hindi pa sumasagi sa isip ko. Sobrang aga pa-"
"If you don't see her at your future, don't even try pursuing her, Jackson. Hindi na kayo bata. Hindi na dapat kayo nakikipaglaro sa mga bagay-bagay. You must take this seriously."
"Hindi naman ako nakikipaglaro, Mr. Zurita. What I mean is I am really taking one step at a time in this. She deserves a slow but consistent love. Hindi iyong bigla-biglang susulpot tapos bigla-bigla ring mawawala. I can see her at my future. Right now, hindi ko lang talaga alam ang gagawin para kausapin siya." Jackson sighed. Kitang-kita ang disappointment sa mukha niya. "May trabaho na naman bukas. Tsk. It will be awkward again between us. Sa trabaho niya lang ako papansinin when we are acting. Ikaw ba, Mr. Zurita? Nandirito ka rin ba bukas?"
"Yeah. Hindi ako hihiwalay kay Gigi because I need to constantly monitor her."
I casually answered but deep inside, I am terrified. The thought of seeing her again and again with all that happened scares me. Hindi ko talaga alam kung ano ang dapat kong gawin. It seems like I already freed myself up, but it was fake and not genuine. Hindi ko alam kung ano ang magiging kilos ko bukas just in case na makasalubong o magkatinginan kami. Ang hirap. Iniisip ko pa lang ay kinakabahan na ako.
BINABASA MO ANG
Tease Me, Bella Beatrice
Romance"Did you miss having sex with me, Pierce? Because I did." ©️2022