"Is everything alright?" Tanong ko kay Shea. "Okay na ba ang lahat?"
Tumango naman ito sa tanong ko. Nakaalis na kami ng isla ngayon at nandito kami kung saan namin iniwan ang mga sasakyan. Nagpapapalam at nagpapasalamat lamang sina Gigi sa magulang ni Lopez na siyang nagbantay dito. Ako naman ay inaayos ang mga dala namin. All the things na baka makalimutan namin. Katulong ko si Shea since kami naman ang magkakasama sa sasakyan. Nasa kaniya na rin ngayon si Chibi na binibaby niya sa loob.
"Okay naman po. Ikaw ba, Mr. Zurita? Is everything alright?"
Natigil ako sa pag-aayos ng mga gamit sa tanong niya. Napabuntong-hininga na lang ako nang tingnan ko siya ay kumibit-balikat ito na para bang hindi niya ako tinanong ng mas malalim sa ibig nitong sabihin. After that, she focused her attention to Chibi again. Napailing na lang ako ulit. I don't want to ask myself the same question Shea asked me because I am not alright for sure. Wala pa akong tulog simula kagabi at alam kong pati sila ay wala rin. Pinapakiramdaman nila ang mga nangyari sa pagitan namin ni Bella. Ang away namin at ang rebelasyon.
Speaking of Bella, she's just quiet. Si Jackson ay hindi rin ako kinakausap. Even si Gigi, she'll only talk to me if needed. Pati ang mga crew ay alangan na kausapin ako at itong si Shea na lang talaga ang kumakausap sa akin. I have no other choice.
"Thank you po! Sa uulitin!" Dinig ko ang boses ni Gigi. Nang tingnan ko ay may iniabot pala rito ang nanay ni Lopez. Mukhang may pabaon na local food. "Hala paborito ko pa naman 'to. Sigurado akong magugustuhan din 'to ni Pierce."
"Sabi nga ng anak ko e gusto raw ng direktor 'yan kaya ayon ipinagluto po kita. Pasensya na ho at medyo kakaunti e hetong anak ko kasi ay hindi baga naman ako inabisuhan na kayo ay maalis na ngay-ong araw. Ay 'di hindi ako nakapamili nang maayos? Tapos heto mandin pa ang kuwento, nakipag-agawan pa ako riyan kay suki."
Nagtawanan sila nang mahina. Hindi ko naman halos marinig ang ilan sa mga sinabi nila.
"Sus naku sobrang dami na po nito. Salamat po!"
"Ay hala sige at kayo ay magbiyahe na at para kayo ay umabot sa pang-alas dose na biyahe. Tamang-tama 'yon na gab-i kayo makarating sa Maynila tapos diretso pahinga na."
"Sige po. Maraming salamat po ulit!"
"Walang anuman po, direk. Salamat sa pag-aalaga sa anak ko. Ingat po kayo!"
Iyon lamang at sa wakas ay nagkasundo na rin silang umalis. Nginitian ko ang mga magulang ni Lopez nang mapadaan ang tingin nila sa akin at ganoon din naman sila. Napakabait nila. They are very hospitable. Well, nasa dugong Pilipino na talaga iyon kaya hindi na ako magtataka. Kinawayan ko pa sila nang bahagya bilang pagpapaalam at ganoon din ang ginawa nila sa akin. Their smiles are refreshing.
"Oh, it's heavy." Sambit ko nang salubungin ko si Gigi at kunin ang dala niya.
She did not comment. Hinayaan niya lang na kunin ko ang dala niya at dumiretso na sa kotse. Instead of sitting with me on the driver's seat, doon siya nagpunta sa likod katabi si Shea. Dito na rin kasi siya sasabay. Kahit si Chibi ay hindi nila hinayaang makatabi ko. I deserve that though. I don't have the right to question them. Baka nga kung nakakapagsalita si Chibi e pagalitan din ako nito.
BINABASA MO ANG
Tease Me, Bella Beatrice
Romance"Did you miss having sex with me, Pierce? Because I did." ©️2022