3 AM and I am still awake. Nakaupo lang ako sa kama at nag-iisip nabg malalim habang nasa tabi ko si Gigi na mahimbing na natutulog. Kanina ay hindi siya nakaharap sa akin ngunit ngayong medyo malalim na ang tulog niya ay hindi na niya namamalayan na nakaharap na sa akin. Her hands are actually holding my left arm. Ganito naman siya lagi. She's clingy kapag kaming dalawa lamang lalo na at tulog siya. I got the chance to look and stare at her sleeping face with the help of the dim light. She's blooming and blooming. Ni hindi makikitang abala ito sa trabaho o may kaunting tampo sa akin. Hiyang siguro sa kaniya ang pagbubuntis.
I did not have the chance to talk to her since she fell asleep fast. Kahit naman hindi siya makatulog nang mabilis ay alam kong hindi ko rin siya makakausap since she already clears out that she is tired enough. Hindi ko na mabilang kung ilang buntong-hininga na ba ang nagawa ko ngayon. Hindi ko alam. Gulong-gulo ako sa mga nararamdaman ko hanggang ngayon. Mayamaya pa ay gumalaw si Gigi. Mas sumiksik siya sa aking bahagi kaya naman napagpasyahan ko na ring mahiga nang maayos para mayakap siya. I gently kissed her forehead after that and closed my eyes. I need sleep to be honest.
THE MORNING came by so fast. Nagising ako bandang alas siyete na wala na si Gigi sa tabi ko. I quickly scanned the room as I panic and thank God, her things are still here. Ibig lamang sabihin noon ay naririto pa siya. Sandali lamang akong nag-ayos ng sarili ko at saka bumaba na rin.
"Hi, baby. Good morning." I smiled as I walk towards the kitchen.
Naroon si Gigi at nagluluto ng breakfast. Nakasuot lamang siya ng komportableng damit at nakatali nang medyo magulo ang buhok. It seems like she just got up not too long ago, but I can already see some plates ready on the table. May fried eggs, bacon, dried fish, and coffee. She just gave me a quick little look before replying to me and placing an egg she just cooked on the other plate.
"Good morning."
That is so cold. The way she spoke is too cold that I started to get chills down my spine. Idagdag mo pa ang blangko niyang pagtingin sa akin. Damn. I hate this.
"Can I have kiss-"
"No." Agad niyang pagputol sa akin. "We are on a time-out, aren't we?"
"Right." Napakagat na lang ako sa labi ko nang marahan nang dahil sa sagot niya. I cannot compete on that. Hindi ko rin puwedeng ipilit ang gusto ko dahil unang-una ay ako ang may kasalanan dito. "How's work?"
"Sit down. Kakain na tayo." She said and ignored me.
Wala na naman akong nagawa kung hindi ang maupo para kumain. She is silent for the first two minutes pero siya rin ang bumasag sa katahimikan naming dalawa.
"Work's good. Okay naman. Matatapos na ang shoot since hindi namin inasahang mas mapapabilis. The actors and the crew are doing a good job." pag-uumpisa niya ngunit nananatili ang malamig na tono. "I've also read some news early this morning. So, nagkausap kayo ni Kuya Jordan?"
"Yes." Medyo dismayado ako nang sumagot sa tanong niya.
Isa lamang kasi ang ibig sabihin noon. Maybe all the things I said to him is now already on the entertainment column. Hindi ko lang alam kung alin mismo roon. And from Gigi's reaction, I am sure she is so used to all of these. Hindi niya magawang magalit kay Jordan since it is his job, and she thinks sometimes she's just helping him pero iba iyong dating sa akin. Sometimes, I feel embarrassed that I cannot take sides. Hindi ko alam kung sino sa kanila ang tama.
BINABASA MO ANG
Tease Me, Bella Beatrice
Romance"Did you miss having sex with me, Pierce? Because I did." ©️2022