30:

201 7 0
                                    

Isang oras matapos dumaong ng roro ay nakarating kami nang matiwasay sa harap ng Boac Hotel. A little hotel on the capital of the province of Marinduque. Nakapaganda ng vibes ng munting probinsyang ito. A green province. Napakapresko ng hangin at hindi ganoon kacrowded ang lugar. Ngayon ngang hapon na at medyo dumidilim na ay halos wala nang tao sa mga kalsada maliban sa bilang na mga sasakyan. Karamihan nga sa kanila ay mukhang papauwi na.

"Baby, nagugutom ako." Si Gigi matapos naming magsettle sa hotel room. "Kain tayo."

"Wait lang natin sila. Punta tayong restaurant na malapit. One of your crew is from here, right? Sigurado akong dadalhin niya tayo roon."

"No. I am already too tired to walk and go outside. Kanina pa ako napapagod kakagalaw. I already informed Lopez to just order food for us. Sila lalabas sila. Do you want to come with them?"

I looked at her and stopped what I am doing. Inaayos ko ang pagkakalagay ko ng laptop ko sa may kamay habang siya ay nakahilata na at paikot-ikot doon. Lopez must be the name of her crew that knows the place.

"Paano ka hindi mapapagod e galaw ka nang galaw?"

"I am tired, but this is comfortable. Baka makatulog ako tapos dumating si Lopez gisingin mo ako ha? Aalis pa lamang naman sila, e."

Tumango na lang ako at naiiling. Kulang na lamang ay pagalitan ko siya sa mga reklamo niyang inaantok siya dahil sa totoo lamang ay tulog lang naman siya sa biyahe. But I cannot do that. Travelling is energy-draining. Hindi ko siya masisisi lalo na lalo na at alam n'yo na ang lagay niya. Isa pa, she really needs to sleep and sleep more. In addition, bukas na bukas din kasi ay aalis na kami patungo naman sa Gaspar Island kung saan kami magte-taping for weeks. I did not bother on organizing our things. Iniwan ko na lang sa kotse at ilang necessities lang ang dinala ko rito sa hotel room. The room is actually not that spacious but is clean and have its own bathroom, a shower room, and a little balcony that will give you quite a view. It is more than accomodation fee plus the staffs are very polite and kind.

May kumatok sa kwarto matapos ang ilang minuto kaya naman mabilis akong tumayo. It must be Lopez and is here to ask me if we will go with them outside for a walk. Didiretso na rin ng kain dahil nakakagutom. Tama naman ako nang magbukas ako ng pinto. One of the crew is here and with him is Bella. Kumaway pa nang marahan nang makita ako kaya naman napailing na lang ako. After the conversation we had on the roro, I became uncomfortable again. Nawala iyong comfortable feeling bago pa kami bumiyahe. But looking at her right now, it seems like she is back at her normal chaotic side. Mukhang walang nangyari sa kaniya.

"Lalabas kami, sama ka?" She asked. Nakita ko ring nakasuot na lamang siya ng komportableng T-shirt at shorts na pinaresan lamang ng sandals. "Sabi ni Lopez ito ang pinakamagandang time para maglibot kasi malamig ang hangin tapos kaunti na lang ang mga tao. The streetlights are masterpieces here."

"Mr. Zurita, si direk po? Sabi kasi niya papasabay siya sa pagbili ng pagkain, e."

"She's on bed." I said and looked at where Gigi is. Right now, nakikipaglaro siya kay Chibi sa kama at mukhang napansing nakatingin ako sa kaniya. She signed me that anything will do. "She said kahit ano raw."

"Oh." Si Lopez na mukhang naintindihan agad ang ibig sabihin ni Gigi sa sinabi niya. "Noted po. Kayo po?"

Tease Me, Bella BeatriceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon