Chapter 36

10.4K 305 38
                                    

Hi! Pkibasa nalang po yung chapter 35 baka nakalimutan nio na yung takbo ng story sa sobrang tagal ko magupdate. Hehe Sorry.



xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Nakatanaw lang ako sa labas ng bintana habang si Sean naman ay busy sa pagmamananeho. 


Hindi kami naguusap. Hindi naman din kasi siya nagsasalita. Siguro alam niya din kung anung pinagdadaanan ko at mas pinili niya nalang manahimik. 


Napansin kong hindi iyon ang daan pauwi sa amin. Hindi pa rin ako nagtanong dahil panatag naman ako sa kanya. Bahala na siya kung saan niya ko dalhin basta wag niya lang ako pagsasamantalahan. Feel na feel ko naman. 


Pagkakita ko palang sa moa globe ay alam ko na kung san kami patungo. Iniikot niya ang kotse papuntang seaside. 


"Ano namang ginagawa natin dito?" 


"Lulunurin kita para matigil na yang kadramahan at katangahan mo." seryoso niyang sabi. Psssssh! 


Lumabas siya ng kotse at pinagbuksan ako. Padabog akong bumaba at naglakad papunta sa dagat. Sumampa ako sa harang na andun at ganun din ang ginawa niya. 


Natuwa ako sa lamig ng hangin na tumatama sa mukha ko. Kahit papaano guminhawa ang pakiramdam ko. 


"So kumusta si Charlotte?" napasimangot ako. Akala ko pa naman ay dinala niya ko dito para malimutan ko ang nangyari yun pala makikichismis lang pala. Tsk 


"Nakita mo naman kanina na okay na okay siya diba?" 


"Bakit ang sungit mo?" 


"Ikaw kaya ang maghintay ng apat na taon tapos malaman mong bumalik na siya na may kasamang iba?" mangiyak ngiyak na sabi ko. 


Nabubwisit ako siya ang lunurin ko eh makita niya. 


"Apat na taon din naman akong naghintay ah!" giit niya.


"Wag ka ngang umarte jan maisingit lang eh. Hindi ko naman sinabing maghintay ka." 


"Bakit sinabi niya din ba na maghintay ka?" Tinamaan ako sa sinabi niya.


"See. Ikaw yung may gusto niyan kaya wala kang karapatang masaktan sa kung anumang nakita mo kanina." Naiinis ako dahil tama ang sinabi niya. 


"Wala kang pakialam." malamig na sabi ko. 


"Of course may pakialam ako. Nagsasawa na kong makitang ganyan ka. Hindi ka na makausad sa kanya. Palagi ka nalang apektado sa mga bagay na may kinalaman sa kanya." 


"So nagsasawa ka na sa kadramahan ng buhay ko? Dun ka na nga." Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko dahil lahat ng inis at frustrations ko nabaling na sa kanya. 

Love and ProportionalityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon