25

20K 352 50
                                    

"Bessy.." Hmmm Maggie?

"Charlie.." Jam? Pinillit kong dumilat. Mukha niya yung una kong nakita.

"Okay ka na ba?" Ramdam ko yung kamay niya sa pisngi ko. Bakit andito siya? Bakit din andito na ko sa kotse? Kanina lang nasa bar kami.

Narinig kong may tumatawa. Si Ate Jollie.

“Maiiyak na sana ako kaso biglang nakatulog yang loves mo gurlah!” sabi ni Ate Jollie.

Bumaling ulit yung tingin ko kay Jam.

“Bakit andito ka?” Ramdam ko yung paghinga niya ng malalim.

“Nakakainis ka Charlie..” Saka siya tumalikod sa akin. Umupo siya sa harap ng kotse.

“Bespren akala ko hindi ka na magigising..”

“OA lang Magz? Kelan pa may nacomatose ng dahil sa kalasingan?”  Si Ate Jollie.

“Ui si cutie o!” napalingon ako sa kaliwa ko. May dalawang babae pero hindi ko sila kilala. Nakita kong papalapit sila sa amin. Hinawakan nung isa yung ulo ko at ginulo-gulo yung buhok ko. Napayuko ako.

“Kung ganito lang din kaganda yung magiging girlfriend ko baka iwanan ko na yung bf ko.” Nagtawanan silang dalawa.

Ano ba yung pinagsasabi nila? Weirdo.

Napatingin ako sa tatlo. Si Ate Jollie nasa driver’s seat. Si Maggie katabi ko sa likod. Katabi niya naman si Ate Armeen.

“Hindi nga nacomatose pero nagkamemory gap naman ata!” sabi ni Ate Armeen.

Bakit ano bang nangyari? Bigla may parang nagflash sa utak ko. Napapikit ako.

Charlotte Marie de Ayala.

Mahal na mahal kita.

All i think is for you to be my last.

Sorry kung natagalan. But now i’m ready.

Napamulat ako.

Nagpalipat-lipat  yung tingin ko sa tatlo. Nakangiti lang sila sa akin.

Hindi ko pa man naitanong yung gusto kong itanong nakita ko ng tumango sila.

Totoo nga! Totoo yun! Akala ko nangangarap pa din ako. Totoo pala talaga. Yung ngiti ko hanggang tenga na.

Napatingin ako kay Jam. Nakapangalumbaba na naman siya sa bintana ng kotse.

Binato ko yung susi kay Ate Jollie. Nasalo niya naman, Bumaba ako sa kotse at binuksan yung pinto sa side ni Jam. Nagulat pa siya. Hinatak ko siya.

Love and ProportionalityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon