Chapter 5

23.9K 400 18
                                    

JAM’ POV

Di ako mahilig manuod ng basketball pero napabilib niya ako sa galing niyang maglaro. Ang astig niya.

Umusog si Maggie para may maupuan si Charlie pero umusog siya sa kabilang side. Kaya nabakante ung sa pagitan namin. Nagaalangan pang umupo si Charlie sa gitna namin pero umupo na din siya.

"Sorry ang baho ko na."

"Parang hindi naman eh! Paamoy nga." akmang ilalapit ko ung mukha ako sa kanya pero mabilis niyang iniiwas ung sarili sa akin.

Natawa ako. Kasi kahit naman di ko siya amuyin, naaamoy ko pa din siya. Parang di naman siya pinagpawisan dahil amoy ako pa din yung pabango niya.

"Kain naman tayo." aya ni maggie sa amin. Mukhang nagutom siya kakasigaw kanina.

"Tara!" aya ko sa kanila. Tatayo na sana ko pero nakita ko si Charlie na ipinilig ang ulo sa balikat ni Maggie. Hmm mukhang pagod talaga siya. Pumikit siya. Parang antok na antok din siya. Hmm loko to ah nauna pang matulog sakin. Kainggit.

"Aw.. Mukhang pagod na pagod bespren ko ah.." sabi ni Maggie. Inayos niya yung ulo ni Charlie para hindi mangalay. Tinapik tapik pa niya yung pisngi nito na parang nagpapatulog ng bata. Ang sweet nilang tignan.

Napatitig ako s mukha ni Charlie. Ang amo ng mukha niya. Eto ata yung tinatawag na kagandahang walang kaeffort effort.

Napapangiti ako. Pero hindi ko alam kung bakit. Ang alam ko lang kakaiba siya. At gusto kong maging parte ng buhay niya.

"Ate Jamai, hndi ka pa uuwi?" tanong sakin ni Maggie

"Ay bakit ayaw mo na ko makasama? Sige uwi na nga ako." pinagmukha kong kawawa yung mukha ko.

"Ay adik ka. Hindi no! Bibili akong food. Ikaw muna bahala kay Charlie?" parang nagaalangan pa niyang tanong sakin.

"Sure! Basta libre mo ko snacks." pero biro ako lang naman yun s kanya.

"Ate Jamai kahit lunch at dinner pa. Basta wag mo papabayaan bessy ko ha?"

"I won't. Sige na ako na bahala dito. Basta pag tinuluan akong laway nito ibang usapan na yun. "

"Ate sayo lang tumutulo laway niyan. Joke!" Anu raw? Hindi ko nagets ung sinabi niya. Bahala na nga kung matuluan ako.

Inilipat niya sa may sa akin si Charlie. Nasa balikat ko na siya at mukhang himbing na himbing pa din. Umalis na si Maggie para bumili ng pagkain

Sinilip ko yung mukha niya na nasa may balikat ko. Hindi ko napigilang haplusin yung pisngi niya. Napatingin ako sa lips niya at napalunok. Hmm perfect.

Naalala ko yung sinabi niya na di raw niya first time mahalikan ng babae. Sinu sino pa kaya gumawa nun sa kanya.

Napabuntong hininga ako. Bakit sobra akong nahihiwagaan sayo, Charlie?

Tumingin nalang ako sa malayo para madivert ang atensyon ko sa ibang bagay.

May mga nagdadaan na napapatingin samin. Yung iba mga kakilala ko may pagtatanong sa mga mata nila kung bakit ko siya kasama at kung sino siya. "Baby sis ko!" sabi ko nalang. Pero nakakaproud din. Pano kaya kung totoong magkapatid kami. Edi parang ang saya nun.

Hindi ko namalayan naidlip na pala ko. Sobrang antok ko na din pala. Ginising lang kami ni Maggie.

"Oh my.. " sabi ko habang nakatingin sa balikat ko sabay tingin ko kay Charlie na parang nandidiri.

"Hala natuluan?" tanong ni Maggie habang sumisip ng softdrinks

"Hindi ah!" depensa ni Charlie.

"Hahaha peace!" ngpeace sign ako. Tumawa si maggie. Si Charlie ayon, wala pa din reaksyon. Ang hirap naman pasayahin ng isang to.

Love and ProportionalityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon