Prologue

84.9K 692 85
                                    

Kapag nagmahal ba kelangan mahal ka din?

Hindi ba pwedeng magmahal ka lang hanggang magsawa sa sakit?

Kapag nasaktan ba kelangan susuko na agad?

Hindi ba pwedeng isa pa muna saka mo wag ipilit?

Bakit kung sino pang mahal mo ng sobra siya pang nananakit sayo?

Natural kung di ka ba naman tanga.

Hindi ka naman siguro magiging miserable kapag nalaman mong yung

kapit-bahay nio ikakasal na pala sa iba. Hindi ka magseselos kapag

nalaman mong yung tindera ng buko dun sa kanto e may boy friend na pala.

Kelan ka lang ba masasaktan? Syempre kapag naginvest ka, hindi ng pera sa

insurance, kundi ng pagmamahal sa isang tao.

at kapag naginvest ka, tingin mo kikita ka agad?

Parang sa insurance lang yan e. Kelangan mo munang maaksidente bago

mo mapakinabangan ang ilang buwan o taon mong inihulog na pera. Minsan

nga kelangan mo pang mamatay. Yun nga lang iba ang makikinabang.

Tulad ng pagmamahal sa isang tao, masasaktan ka muna, luluha ng balde balde,

manghihina, manlalambot, kikiligin at madudurog ang puso, at kapag sumuko ka?

Masasabi mo ba na panalo ka dahil nagawa mong iligtas ang sarili mo bago ka mamatay?

o talunan ka pa din dahil nauwi sa wala ang investment mo?

Ang hirap di ba?

Pero mas mahirap kung ang mamahalin mo ay isang babae.

pano naging mahirap? walang kaso kung lalaki ka.

Pero try mo magmahal ng isang babae kung ikaw mismo ay babae din

o gets mo na?

Sa paningin ng iba: yuck kadiri nakakasukal imoral...

Pati ang law of attraction na nagsasabing opposite charges attract and like charges repel ay humahadlang

bakit hindi ba pwedeng birds of the same feathers flock together?hahahaha

I wanted to touch you,

To hug you..

Kiss and hold hands with you..

But even without those things..

Please allow me.. to just love you

until my heart voluntarily surrender..

-Charlotte Marie de Ayala

For me youre a sister, a friend, a subject to every drawings

I make. I love you but not the way youre loving me.

But if loving me is the only thing that will make you stay

then please love me until I die

I wont dare to break your heart, because you loving me

is the best feeling that I had.

-Jamaica Renielle Torres

Love and ProportionalityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon