Humahangos kong tinungo ang operating room matapos itanong sa reception kung saan dinala si Charlie.
natanaw ko agad si Maggie at Armeen na nakaupo sa labas ng OR.
"Charlie! Charlie!"
Pilit kong pinihit ung door knob pero nakalock talaga. May maliit na bintana pero may nakatabing na kurtina.
Gusto ko lang namang makita si Charlie at malaman ang kalagayan niya.
Wala na kong nagawa kundi ang mapaupo nalang.
Naririnig ko ang pag-iyak ni Maggie.
Wala na kong lakas para lingunin siya. At wala na din akong mukhang maihaharap sa kanya dahil ako ang may kasalanan sa sinapit ni Charlie.
Naramdaman kong nagvibrate ung phone ko. Kinuha ko sa bulsa at tiningnan kung sino ang tumatawag. Si Dave. Ipinasok ko nalang ulit sa bulsa at hinayaang magvibrate ng magvibrate.
Isinandal ko ang likod at ulo ko sa pader.
Naisip ko bakit pa to kailangang pagdaanan ng taong walang ibang ginawa kundi ang mahalin ako.
I really missed her...
mahal na mahal na mahal ko pala talaga siya.
Kasi kung hindi, hindi ako makakaramdam ng labis labis na takot ngayon.
Takot na mawala siya. Para na kong mababaliw.
Lord ginawa ko lang naman yun dahil ayokong mas masaktan pa siya.
Ginusto kong ilayo niya ung sarili nia sa akin pero Lord wag naman yung tipong kukunin niyo siya.
Wag sa ganung kalayong lugar na hindi ko na matatanaw ang mga ngiti niya. Hindi ko na maririnig ang mga boses niya.
Iligtas mo siya, at hindi na ko hihiling ng iba.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng OR at lumabas ung doktor.
Pero bago pa ko nakatayo, nakalapit na agad dito si Maggie.
"D-doc?" boses ni Maggie na parang takot sa kung anu mang posibleng sabihin ng doktor.
BINABASA MO ANG
Love and Proportionality
RomanceIs there still a chance for an unrequited love? Possibilities are always low for a normal circumstances. But when homosexuality speaks, it'll become six feet under. Why? Cause it's not only the feelings and emotions that are now involve, When a gir...