14

20.9K 350 12
                                    

Natapos ang thursday na sila Armeen at Jollie ang kasama ko. As usual puro lang kalokohan yung dalawa.

Masaya silang kasama pero para talagang may kulang.

Friday na!

Pero parang ang bagal pa din ng araw. Saturday pa ang balik nila Charlie so baka Monday ko pa siya makita.

Hapon na nung matapos yung klase namin, tinatamad pa ko umwi kaya pumunta muna kong tambayan.

Masarap dito kasi mahangin. kita mo yung buong field, madaming mga puno sa gilid.

wala na gasinong tao pero ok lang.

nakapangalumbaba ako ng biglang may tumakip sa mata ko.

kinapa-kapa ko yung kamay. soft and smooth. hahaha

tinuloy ko pa din pagkapa at pinagapang ko kamay ko hanggan sa may braso ng taong tumatakip sa mata ko.

nadidinig kong pgil siyang tumatawa. parang nakikiliti sa ginagawa ko.

Nung hawakan ko palang kamay niya, kilala ko na agad kung sino siya. Yun nga lang gusto kong maramdaman siya kaya kunyari kinakapa ko pa.

Nakarating yung kamay ko sa may bandang chan niya. tinuloy ko pa pataas...

"Hoy chansing na yan!" si Charlie. bigla niyang tinanggal yung kamay niya na tumatakip sa mata ko. lumingon ako sa kanya

Nakangiti siya pero tinignan ko siya ng masama.

"Bakit ang sama mo makatingin?"  tanong niya habang tinabihan ako sa pagkakaupo.

"Bakit andito ka? di ba bukas pa uwi nio.." matabang na sabi ko sa kanya. Masaya akong makita siya pero naiinis pa din ako sa ginawa niya

"Sabi ni Maggie tumawag ka, tas nung tinawagan kita di mo naman sinasagot tawag ko." sabi niya. oo tumatawag nga siya pero di ko sinasagot. xmpre nagtatampo ako e haha.

"Bat ko naman sasagutin? Baka maistorbo ko pa kayo nung Giesel." aishh bat ba iun ung nasabi ko. baka isipin niya nagseselos ako.

Narinig ko lang na tumawa siya.

"Kasali kasi kami sa national math quiiz, kaya pinatawag kami ng mentor namin."

tumingin ako sa kanya. 

"Really? Ang galing mo talaga. Kelan ang laban nio?" nalimutan ko na na nagtatampo ako sa kanya.

"Next month.." niyakap ko siya. nakakaproud lang. kasi ang talino niya. Namiss ko siyang yakapin.

"Miss mo ko noh?" sabi niya.

lalo ko lang hinigpitan yakap ko sa kanya. Pero ako hindi niya ko niyakap. hmp

Love and ProportionalityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon