8oclock

18.9K 344 1
                                    

Charlie' POV

Isang buwan na naman ang matuling lumipas.

Kakatapos lang ng mga exam namin pero may pasok pa din dahil may ipapasa kaming iba pang requirements.

Si Maggie wala pa. Nagaalala ako sa babaeng yun. Nung isang araw pa kasi masama pakiramdam niya. Sabi ko magpacheckup siya pero ayaw niya at sumige pa din sa pagrereview.

Biglang nagring ang fone ko.

Tita vicky calling. . .

Mama ni Maggie. Agad agad kong sinagot ung tawag.

"Yes Tita?" masama yung kutob ko dahil bihira lang siya tumawag sa akin.

"Ho? San pong hospital? Sige po papunta na ko ngayon." sabi na nga ba. Dali dali kong inayos yung mga gamit ko at bumaba ng building.

Halos takbuhin ko yung parking para marating agad ang sasakyan ko.

Bigla akong napatigil.

Si Jam kasama ung dalawang friends niya.

"Charlie.." nakangiti siya sa akin.

Bakit ngayon ko pa siya kailangan makita. Sa ganitong sitwasyon?

Gusto ko siyang lapitan pero kailangan ko munang makasigurong nasa mabuting kalagayan si Maggie.

Isa pa, magpapakita lang naman siya kung kailan niya gustuhin.

Itinuloy ko yung paglalakad ko at nilagpasan siya.

"Charlie!" tawag ulit niya. Napahinto lang ako pero hindi ko siya nilingon.

"Maghihintay ako sa tambayan!" sabi niya.

Muli akong naglakad.

Ilang saglit lang narating ko na yung ospital kung san nandoon si Maggie.

Nakita ko naman agad yung room niya. Pumasok ako. Nandoon ang mama niya. Lumapit ako kay Tita at nagbless.

Ngumiti siya. "Wag ka ng magalala, sabi ni doc ok naman na daw siya. Kailangan niya lang ng pahinga."

Nahalata siguro niya na nagaalala ako. Tumango lang ako at tinignan si Maggie.

Tulog pa siya. Ang daming swerong nakasabit.

"Ikaw muna bahala sa kanya ha. Bibili lang akong food natin." sabi ni tita

"Sige po." saka ko siya nginitian

Humila ako ng bangko at umupo malapit sa bed ni Maggie. Inayos ko yung kumot niya.

"Bessy.." sinundot sindot ko yung mukha nia. Hl

Kala ko hindi siya magising pero kita kong unti unting dumilat mga mata niya. Lagot ako.

Pinitik niya yung ilong ko.

"Aray naman." reklamo ko. Tumawa lang siya.

"Anong nangyari sayo bestfriend? Kala ko nacomatose ka na dahil sa exam natin sa algebra." inasar ko siya. Pero masaya ako dahil okay naman pala siya.

"Sira ka! Isusumbong kita kay mama." Parang bata.

"Joke lang. Magpagaling ka agad. Bahala ka hndi mo maeenjoy ang sembreak." sabi ko sa kanya.

"Gusto ko EK!" sabi naman niya. Ngumiti lang ako.

Binantayan ko siya hanggang humapon na. Pero hindi pa din mawala sa isip ko si Jam.

"Maggie.."

"Hmmm..?" tumingin siya sa akin

"Nakita ko kanina si Jam sa school.."

"Talaga? Anung nangyari?" excited na tanong niya. Parang walang sakit eh.

"Hindi ko siya nakausap. Nagmamadali ako eh dahil pinagalala mo ko." sabi ko.

Tumitig siya sakin. Hinila niya yung tenga ko.

"Antanga tanga mo bespren. Nakakainis ka!" nagulat ako sa sinabi nia.

Naiiyak na siya. Siguro sa sobrang asar niya sa akin. Hindi ko alam kung anong nagawa ko.

"Bakit hindi mo siya kinausap? Hindi mo ba alam na ilang araw o linggo na naman ang hihintayin mo bago mo siya makita ulit."

Nakatitig lang ako kay Maggie.

"Alam kong miss na miss mo na siya. Sana hindi mo nalang ako pinuntahan dito." naiiyak na sabi niya.

Hindi ko alam na ganto pala kahalaga sa kanya ang kasiyahan ko.

"Sorry.." sabi ko. Pinunasan ko mga luha niya.

"Aantayin niya daw ako sa school."

"Bakit nandito ka pa?" asar pa din talaga siya sa akin.

"Baka umalis na yun." Kibit balikat na sabi ko

"Alis ka na. Bumalik kang school. Pano kung nandoon pa pala siya?"

Hindi naman yun maghihintay ng ganung katagal. Pero ang puso ko lihim na umaasa na sana nandoon pa sya. Tumayo ako at kinuha yung bag ko.

"Alis muna ko saglit bestfriend."

"And I'm sorry kung naasar ka sakin. Di mo naman ako masisisi kung magalala ako sayo."

"Kung ako yung nagkasakit alam ko na kahit ilang libong gwapong lalaki pa ung kaharap mo iiwan mo para lang puntahan ako." ngumiti ako at hinalikan siya sa pisngi. Napangiti na din siya.

Love and ProportionalityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon