Chapter 38

14.3K 405 89
                                    

Jamai's POV

"Good morning Jollie!" bati ko kay Jollie nung napadaan ako sa table niya pagpasok ko sa office. Kunot ang noong tumingin lang siya sa akin.

"Hi Jonas!" nakipag fist bump ako sa kanya nung masalubong ko siya.

"Hi! Mukhang maganda ang gising mo ah."

"Ako? Palagi naman. Ang sarap kaya mabuhay!"

"Morning Armeen. Bat ang aga aga mukhang problemado ka?" nakita ko siyang nakasimangot na nakatitig lang sa harap ng pc niya.

"Yung client kasi andaming gusto ipabago sa gawa ko." inis na sabi niya. Lumapit ako sa pc niya para tignan ang convo nila ng client.

"Ah gurlah may template na ko nian. Send ko sayo." sabi ko at dumiretso na sa table ko.

"Really? Ang swerte ko talaga. Thanks gurlash!"

"Yis! Si Boss nga pala andiyan na?"

Nagulat ako sa pagkakabagsak ni Jollie ng kamay niya sa table ko.

"Anong meron Gurlah? Bukod sa late ka ngayon? At bakit mo hinahanap si Boss? Gurlah wag mong sabihing magreresign ka na?!"

"Sira! Bakit naman ako magreresign? Kaya ako late kasi naman nasira yung motor ko."

"Nasiraan ka ng motor pero ganyan ka kasaya?"

"Ha? Dapat ba ipagluksa ko? At saka okay naman na ulit." Napapailing nalang ako.

"Hindi naman pero.. Hayaan mo na nga yun. Bakit mo naman hinahanap si Boss?"

"Masama ba? Magrereport ako eh."

"Hindi naman Gurlah ang masama ngayon ko lang yan narinig sayo."

"Woah! Grabe ka. Tapos ko na kasi yung pinapagawa niya."

"Agad agad? Monday palang ngayon ah!"

"Tinapos ko kahapon. Wala akong magawa eh."

"Wow! Kelan pa nauso sayo ang work at home?" Tumawa lang ako at ibinaling ang tingin kay Charlie na kanina pa nahahagip ng peripheral vision ko.

"Morning Charlie.." bati ko at ngumiti ng pagkatamis tamis. Umiiling na natatawa nalang siya. Lokong to ah. Kaasar wala atang epekto yung killer smile ko.

"Tsk tsk. Kaya naman pala tinapos na ang work load sa bahay para paglalandi nalang ang aatupagin sa office."

"Gurlah andiyan na si Boss." natataranta naman siyang bumalik sa station niya.

Gumagawa ako sa pc ko nung magring ang ip phone.

KRRRIIIINNNNGGGGGGG!

KRRRRIIIIIIIIINNNNNGGGGGGGGGG!

Pinindot ko yung speaker button.

Uso yung ganun sa office. Kadalasan kasi wala ng time yung mga empleyadong iangat yung telepono dahil sa dami ng ginagawa.

"Morning Jamai, sa reception. May delivery ka dito." saglit kong itinigil ang ginagawa ko.

"Jollie nagpadeliver kang food?"

"Nagpadeliver kang Pizza?" excited na tanong nia. Labo din ng isang to eh.

"Ay Risa hindi ata sa amin yan."

"Ah para sa yo daw eh. Flowers galing ka-" mabilis kong iniangat ang telepono.

"kay Sean."

"Oh. Pakilagay mo nalang sa may center table sa lobby." mahinang sabi ko habang iniikot ang tingin sa office. Syempre hindi na naman yun nakaligtas sa pandinig ni Armeen at Jollie kaya mataman lang sila nakatitig sa akin.

Love and ProportionalityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon