Chapter 43

8.5K 239 24
                                    


JOLLIE

Napapakamot nalang ako sa ulo habang nagddrive. Hindi ako makapaniwala. Nabudol ako ni Jamai.

Bakit naman kasi ako pa yung natawagan ang sarap na sana ng tulog ko sa bahay. Kelan pa kasi nauna ang J sa A?

Mabilis kong narating yung bar kung nasan si Sean. Hindi na ko nahirapang hanapin kasi nakapunta na ko dito once.

Ang sabi ni Jamai i-make sure ko daw na okay lang si Sean. Nakita ko siya sa isang sulok at mukhang okay naman siya.

Uuwi na sana ako pero parang hinihila ako ng tugtog pabalik.

Natagpuan ko nalang yung sarili kong nagsasayaw na sa dance floor.

At dahil sa sobrang galing kong sumayaw dalawang lalaki agad ang lumapit sa akin.

"Hey! Ngayon lang kita nakita dito. My name is David." Sabi nung isa na halos ilapit na ang mukha sa akin. Ayoko mang aminin pero gwapo ang isang to. Kaso hindi uso ang salitang yun sa akin.

Ngumiti lang ako at dumistansya sa kanya. Pero bago pa ko makalayo ay hinapit niya ang bewang ko palapit sa kanya. Automatikong hinablot ng kamay ko ang isang kamay niya at pinilipit yon.

Walang nakarinig sa pagaray niya sa lakas ng tugtog pero ang ibang lalaking nakatingin ay dumistansya na sa akin.

Tsk. Kelangan bang masaktan muna bago lumayo? Parang ako pa lang ata ang ilang ulit ng nasaktan pero hindi pa rin magawang lumayo.

Napailing nalang ako habang patuloy na sumasayaw.

Dati ko na tong hilig. Ang magpunta sa maiingay na lugar. Kung saan pwede akong magwala, at mawala.

Napatingin ako sa kinaroroonan ni Sean pero wala na siya doon. Inikot ko ang mata ko at nakita siya sa countertop.

Tamang tama nauuhaw na rin ako.

Naupo ako sa tabi niya.

"Boss, same ng sa kanya." Sabi ko. Agad namang tumalima ang bartender.

Hindi ako nilingon ni Sean kaya hindi na rin ako ulit tumingin sa kanya.

Kaso napapansin ko yung pagtingin tingin niya sa phone niya. Napailing ako.

"Kung ako sayo ititigil ko na yan at hindi na ako aasa." Dun na nagtama ang mga mata namin. Medyo matagal bago niya ko nakilala.

"Jollie?" Natawa ako. Mukhang okay pa naman siya.

Natigilan ako. Hindi ko naitanong kay Jamai kung anung gagawin ko sakaling hindi na okay ang isang to?

"Why are you here? Nasaan si Jamai?"

"Sabi ko di ba wag ka ng umasa. Magkita daw kayo bukas." Nakita kong ibinulsa niya ang phone niya at itinuloy ang pag inom. Ganun rin ang ginawa ko.

"Hi." Bati ng isang lalaking naupo sa right side ko. Tinignan ko siya pero ibinalik ko rin ulit ang tingin sa iniinom ko.

"You are not the usual Jollie I knew." Si Sean. Natawa ako sa sinabi niya. Ganun ba ko kahayok sa lalaki?

Hindi ko naman kailangang magpretend ngayon. Si Sean lang naman to.

Wala dito ang dahilan kung bakit kailangan kong itago ang sarili ko.

"Well, let me guess. Friend zoned? Medyo bitter ka pag sinasabi mong wag na kong umasa."

"Pwede ba wag mo kong idamay diyan sa nararamdaman mo." Walang ganang sagot ko.

"Ganyan ka pala talaga makipagusap sa mga lalaki." Iiling iling na sabi niya.

"Bakit kailangan ba special treatment lagi kayo?"

Love and ProportionalityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon