7eleven

20K 344 7
                                    

Charlie's POV

Mabilis kong tinungo yung unit ko. Binuksan ang pinto at saka itinapon ang sarili ko sa kama. Dun na nagsimulang tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

"See you soon.." gaano naman kaya ka soon yun. Alam kong maghihintay na naman ako ng weeks,or months, o baka nga hindi ko na siya makita. Walang kasiguraduhan

Hindi ko naman pdeng itanong sa kanya kung anung pinagkakaabalahan niya, o kung kelan ko ba siya ulit makikita. Sino ba ko, at ano ba niya ko?

Minsan naisip ko na bakit kelangan pa niyang magpakita. Sa twing nararamdaman kong unti unti na kong nasasanay sa kawalan niya,saka naman siya biglang lilitaw. At ako babalik na naman sa umpisa sa oras na umalis ulit siya.

Kinapa ko yung phone ko sa bag ko. Pinindot ko ang 1 sa speed dial ko.

"Hello bessy.. Bakit?" hindi ako nagsasalita pero alam kong dinig niya ang paghikbi ko.

"Hala anung nangyari sayo? Sorry na kung hinayaan kitang magisang magsolve ng assignment natin sa algebra." sinubukan pa niyang magbiro.

"Hoy magsalita ka naman. Ano bang nangyari? Nasa condo ka ba?

"Wait mo ko diyan papunta na ko."

Sabay baba nia sa phone. Inayos ko yung sarili ko at pinahid yung mga luha sa mukha ko.

Ayokong datnan ako ni Maggie sa ganitong sitwasyon baka sabihin pa nun napakamiserable ko dahil lang sa isang babae.

Pero medyo gumaan na ung pakiramdam ko nung marinig ko boses niya. Parang hindi na ko nagiisa. Parang may karamay na ko.

Ilang saglit lang andito na sya sa condo, may dalang pagkain.

"Aw anung nangyari dyan s mata mo?" pinipigilan niyang tumawa habang inaayos niya sa mesa yung pagkaing dala niya. Ako naman nakaupo lang.

"Buti nalang dumating agad ako. Nagmadali talaga ko. Naisip kong baka matripan mong magpatiwakal eh." nangaasar pa siya.

"Magz halatang nagmdali ka talaga. Pero di mo talaga nalimutang bumili ng food no?" tawa lang siya ng tawa. Nilagyan niya ng spagetti yung plato ko.

"Maggie utang na loob, ilayo mo sakin yan. Ayokong makakita ng pasta ngayong araw."

"Ha? Bakit naman? Favorite mo pa naman to kaya eto ung binili ko. Hmp!" sabi nia at kinuha plato ko.

"Kakakain ko lang niyan kanina. Hindi ko nga naubos."

"Talaga? Saan ka kumain? Sino kasama mo?" usisa nia habang sinisimulan niang kainin ang spaghetti. Inabutan nia ko ng pizza.

Kumagat ako at saka nagsalita. "Malapit lang sa school. Kasama ko si Jam."

"Kasama mo si Ate Jamai?" nagulat pa siya pero napaisip din

"Hey dahil ba sa kanya kaya ka umiiyak kanina?" tumango ako. Hindi ko na naman mapigilang maluha habang kumakaen ng pizza.

"Hoy para kang bata diyan. Umayos ka nga. Aishhh." kinuwento ko sa kanya mga nangyari kanina.

"Wow astig pala ni Ate Jamai. San ka nakakita ng chix na nagmomotor?" dun talaga siya nagcomment eh.

"Pero bespren parang anlakas talaga ng tama mo sa kanya no? Sabagay ang sexy sexy kaya niya."

"Maggie nga!"

"Ano? Oy pero di ba umangkas ka sa motor niya. Edi nayakap mo bewang niya?"

"Syempre naman. Edi nahulog ako kung hindi ako humawak sa kanya."

"Sus Charlotte! Pede namang sa balikat lang eh." oo nga naman. Tinignan ako ni Maggie na parang nangaasar.

"Oy Maggie magtigil ka jan kung ayaw mong mapalayas."

"Ano ka. Dito ako matutulog." sabi naman nia.

"Wala kang damit." sabi ko

"Edi yung damit mo."

"aisshh ang kapal talaga."

"ha-ha-ha-ha" ang kulit niya lang.

Love and ProportionalityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon