30

19K 343 71
                                    

Eto na ang napaka OUTDATED na UPDATE! Sorry guys matagal na tong nakatengGa sa pc ko ngayon ko lang natapos :3

Enjoy! ^_^

Bglang npalitan ng lungkot ang kaninang asar na mukha niya nung makitang wala ng natira sa apa ng ice cream na hawak hawak niya.

"Uhm, pasensya ka na talaga. Kung gusto mo ibibili nalang kita ng bago."

Tumingin siya akin, akala ko tatanggi siya pero biglang may sumilay na ngiti sa mga labi niya.

"Talaga? Wag nalang.. Ok lang.." anito na hindi ko mawari kung nahihiya siya o nangungusensya lang.

Tumango lang ako habang kinakapa yung panyo ko na nasa loob ng bag ko. 

May mga natira pa kasing bakas ng ice cream sa pisngi niya.

Nailabas ko na yung panyo pero nagaalangan akong punasan yung mukha niya.

"Ako na." Nakangiting sabi niya. Nagpunas siya ng mukha.

"Okay na ba? Wala na?" 

"Hey?" hindi ko namalayang napatitig pala ako sa kanya.

"Ah, ano san mo ba yan nabili?" bawi ko.

Biglang may nagring at dinukot niya yung phone niya sa bulsa.

"Hello Ma?..."

"Opo I'm on my way na..."

"Really? Gusto ko ng makauwi ng matikman na yan!"

"Sige na Ma see you!" 

Mommy niya siguro yung kausap niya. 

Ibinulsa niya ulit yung phone niya.

"I need to go, may utang kang icecream sa'kin ha?" paalala niya at nagmamadali na siyang umalis.

Napangiti ako habang napapailing..

Hindi ko na maramdaman ang pagkalam ng sikmura ko. Napalitan na kasi ng kilig at saya.

Uwi nalang ako. Tutal nakita ko na naman ang hinahanap ko :)

***

"Gurlah sama ka Christmas party ha?" aya ni Jollie habang naghihintay magstart ang klase.

Napakunot ako. Mula kasi nung nagcollege ako wala naman yung christmas party thing na yun.

"w/ the class?" tanong ko.

"Ano ka ba Jamai mukha bang may balak mag christmas party yung mga yan?" nguso ni Jollie sa mga classmate naming abala sa paggawa ng plate at halos sumubsob na ang mga mukha sa drawing table.

Love and ProportionalityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon