Chapter 35

16.7K 436 127
                                    

Hi mga gurlash! Wag po sana kayong malito sa Chapter na to. Medyo mabilis ang pacing at development ng mga characters.

Dedicated to natatanging rose ni Chibbs dahil isa na siyang ganap na Inhinyero. Congrats AR! ^__^ Alam ko late na. Hahaha

CHAPTER 35

06227 Torres, Jamaica Renielle

"Gurlaaaaahhhh! Pasado tayong tatlo!!!" Nakatulala lang ako sa harap ng monitor ng laptop ko habang paulit-ulit na binabasa sa isip ang pangalan ko. Halos di ko na alintana ang lakas ng boses ni Jollie sa kabilang linya.

Hindi pa din humihinto sa pagkabog ang dibdib ko mula pa nung nalaman kong lumabas na ang resulta ng board exam hanggang sa malaman kong kabilang ako sa 19% na pinalad na pumasa.

Pinunasan ko ang luhang kanina pa pala dumadaloy sa pisngi ko. Ang totoo magkahalong lungkot at saya ang nararamdaman ko. 

Masaya dahil nagbunga lahat ng sakripisyong ginawa namin. Kung dati napupuyat lang ako dahil sa pagiisip kay Charlie, halos di naman na ako matulog sa pagaaral nung malapit na ang exam. Isa na akong arkitekto. 

Malungkot. Dahil walang taong nasa tabi ko para maibahagi ko yung kasiyahang nararamdaman ko.  

Kung nandito lang sana si Mama. Kaso kakabalik niya lang sa Canada nung isang buwan. Si Papa rin ay bumalik na sa Canada pero syempre hindi sila magkasama ni Mama dun.

Kung andito lang sana si Charlie. Kaso siya ang pinakaimposibleng taong pwede kong makasama ngayon.

Dalawa't kalahating taon ko na siyang hindi nakikita. At hindi ko alam kung gaano katagal ko pa siyang hindi makikita o kung makikita ko pa ba siya.

Minsan kailangan ko pang pumikit para maalala ang itsura niya. Siguro kung hindi dahil sa mga larawan niyang ibinibigay sa akin ni Maggie, malilimutan ko na ang detalye ng mukha niya.

Hindi ko alam kung sumuko na ba ko sa kanya o hindi pa.

O kung hinihintay ko pa ba siya o hindi na.

Kung umaasa pa ba ko o sawa na.

Kung kuntento lang ba ko na sa litrato ko lang siya nakikita o nasanay na ko na hanggang doon ko lang siya maaabot...

Nalulungkot ako kapag iniisip kong bumitaw. Kasi siguro umaasa pa ko, kasi siguro kaya ko pang maghintay.

Magulo ba? Yun yung mga bagay na naiisip ko kapag nalulungkot ako, kapag miss na miss ko na siya. Kapag naf-frustrate ako na sa pictures ko lang siya pwedeng makita.

Ang totoo, mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya. At kahit na minsan hindi ko na maalala yung itsura niya palaging ipinaparamdam sa akin ng tibok ng puso ko na siya pa din yung nagiisang tao na minahal ko.

Love and ProportionalityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon