22

20.1K 348 60
                                    

Nagising ako sa hininga ni Charlie. Ambango, parang kakatoothbrush lang ata niya. Kanina pa kaya siya gising?

Samantalang ako hindi na nakapagtoothbrush kagabi. Amoy burger steak pa siguro ung hininga ko. Yuck!

Nakapikit pa din ako pero pinapakiramdaman ko siya. Hinihipan niya yung mukha ko. Napapangiti tuloy ako.

Gusto ko siyang halikan kaso baka sabihin na naman niya nalilibugan ako. Hmp

Kinapa ko yung unan sa may ulunan ko at tinakip sa mukha ko.

Nararamdaman ko may gumagalaw sa may talampakan ko. Lokong Charlie na to ayaw talaga ko tigilan. 

Nakikiliti ako kaso bakit parang mabalbon?

Bigla ko naisip si Mogu.

napabalikwas ako ng bangon. Hindi nga ako nagkamali. Si mogu nga at muntik ko na siyang masipa buti nalang hindi umabot.

Nagulat din siguro ito sa reaksyon ko kaya tumakbo palayo.

Tumingin ako kay Charlie, tawa siya ng tawa.

"Ansama mo Charlie..."

"Mas masama ka muntik mo ng saktan si Mogu."

"Kasalanan mo yun, bat nga ba nilagay mo siya dun!"  

"Eh namimiss na daw kasi niya yung amoy ng mga kalahi niya eh. HAHAHAHHA"

Ginawa pa kong aso, asar.

Nakita ko siyang tumayo. Parang hinahanap niya si Mogu. Bumalik siya sa kama na karga karga na ito.

Lumayo ako sa kanya. 

"Wag kang magkakamaling ilapit yan sa akin."

Tinignan ko si Mogu. Parang takot na din sa akin eh. hehehe

"Ikaw kamo, nilalambing ka lang eh tapos sinisigawan  mo na." sabi niya

Nakonsensya tuloy ako. Kung sanay lang talga akong humawak ng aso baka iuwi ko pa si Mogu sa bahay dahil sa sobrang cute nito. Kaso takot talaga ako e.

"Try mo hawakan." ilalapit niya sana sa akin si Mogu pero napaatras ako sa gilid ng kama.

"SIge ganto nalang pag hinawakan mo siya may prize ka sakin."

"Anung prize?" 

"Kiss kita torrid." 

Napatigil ako. Walangya talaga to.

Love and ProportionalityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon