28

18.3K 401 164
                                    

"Sharlie!"

Napalingon ako sa tawag na yon. Sa napakaingay at mataong lugar, kita ko na agad ang hinahanap ko.

Kinawayan ako ni Ate Jollie at inaya palapit sa table nila.

Andito din si Maggie at si Ate Armeen.

"Charlotte! I miss you." bati sa akin ni Ate Armeen nung makalapit na ko. 

Nakangiti siya sa akin. Huling kita namin ay nung nakatulog ako sa bar. Nung sinabi ni Jam na mahal niya ko.

Tsk. Si Jam na hindi na talaga nagparamdam mula nung umalis ako papuntang Cebu.

"Ate Armeen miss din kita. Kamusta?" Tanong ko habang inaawat si Maggie sa pangingiliti sa akiin. Alam kong miss din ako ng isang to kaya kinukulit ako.

"Eto okay  lang. Mas maganda pa din kesa kay Jollie."

"Yan tayo eh ako lang kinakayan kayanan mo." Sabat naman ni Ate Jollie. Tumawa lang si Ate Armeen.

Inakbayan ko naman si Maggie.

"Ikaw bespren kamusta?" Ang totoo parang mas miss ko si Magz kesa sa mis niya ako.

Parang ngayon kailangan ko talaga ng kaibigan. Kailangan ko ng masasandalan. Aminado naman ako na mula ng makilala ko si Jam, nabawasan yung bonding time namin.

"Eto okay lang, mas maganda pa din kay Ate Jollie." Nakangiting sabi ni Magz.

"Ako nalang palagi? Ako na ba pinakapangit dito? hmp!" reklamo niya.

Natutuwa ako sa tatlo kasi parang ang close close na talaga nila.

"Bessy andito ba pasalubong namin?" tanong ni Magz habang binubuksan yung bag ko na nakasukbit pa sa likod ko.

"Oo pasalubong ko sayo." Nangingiti kong sabi sa kanya.

"Talaga?" excited niyang sabi.

"Sharlie andaya. Bakit si Maggie lang meron?" si Ate Jollie.

"Ay sige Ate Jollie hati nalang kayo ni Magz. Di ka naman kasi nagsabi eh."

"Yun! Oi Maggie nadinig mo yun ha?" tinapik niya si Maggie.

"Aish! puro maduduming damit.naman andito Shar!" reklamo ni Magz pero hindi pa din siya tumitigil sa pagkalkal sa laman ng bag ko.

"Bakit ano bang hanap mo? Hatian mo nalang si Ate Jollie. Gusto din daw niya."

"Di na pala Sharlie. Madami din niyan sa bahay." sabay bawi ni Ate Jollie. Si Ate Armeen natatawa nalang.

Love and ProportionalityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon