21

19.5K 373 28
                                    

Dedicated to Baby004, you can also read her stories :) Thanks!

 (flashback po ito HAHAHA pasaway kasi si msantos eh! hahahaha)

“Kapal talaga ng mukha niyan eh. Akala niya naman seseryosohin siya ni Sean.” Pabalik na  sana si Charlotte sa classroom pag katapos magtapon ng basura sa likod ng marinig niya ang boses na yon.

Nacurious siya at hinanap kung saan nagmula yung ingay na yon. Ilang saglit lang nakita na niya ang dalawang babae nakatayo sa harap ng isang nakayukong babae.

“Tingin mo ba yung gantong mukha seseryosohin ng isang Sean Montero?” sabi pa ng isa sa

dalawang babae saka hinatak yung buhok  ng walang kalaban-labang babaeng nasa harap nila.

Naalala na niya, yung babaeng yon. Siya lang naman yung girlfriend ng isa sa pinakasikat at pinakagwapong basketball player dito sa school. Hindi din lingid sa kanya na madalas itong mabully lalo na ng mga babaeng super  fan ng boyfriend niya.

Kung gaano ata kasikat yung boyfriend niya ganun din katunog ang pangalan niya, Jessie Suarez. Ang babaeng bumihag sa puso ni Sean Montero.

Hindi naman siya nagtaka kung bakit ganon nalang kagalit yung mga babae sa kanya, dahil isa lang itong ordinaryong estudyante.

Gusto niya sanang awatin yung dalawang bruhang babae sa pananakit kay  Jessie kaso ano ba namang laban niya sa mga 4th year  students na yun?

“Bumalik ka nalang dun sa probinsiya nio girl at magtanim ng kamote! Hahaha.” Tinulak nung animal na babae si Jessie kaya muntik na itong mapasubsob  sa lupa.

Hindi naman kasi sementado yung likod ng mga classroom dahil may mga halaman dito at mga damo damo. 

Umalis na yung dalawang babae. Naiwan si Jessie na nakasalampak sa lupa. Bakit naman kasi hindi marunong lumaban ang babaeng toh?

Bakit pumapayag siyang api-apihin. At nasaan ba yung boyfriend niya? Bakit hindi siya maipagtanggol?

Nakita niya nalang na unti-unti ng pumatak yung luha ni Jessie. Lalapitan na niya sana kaso bigla itoong tumayo at pinagpag ang suot na palda.

Naupo ito sa bench na nasa pagitan ng dalawang puno. Nakatalikod na ito sa kanya pero batid niya na umiiyak pa din ito dahil sa pagalog ng balikat nito at sa lalim ng paghinga.

Nagpasiya siyang lapitan na yung babae. Naupo siya sa tabi nito pero hindi man lang siya nilingon nito. Nakayuko lang ito na parang itinatago yung pagiyak.

“Umiiyak ka ba dahil masakit yung sabunot sayo o dahil..” napatingin siya sa kamay nito. Puro putik pero alam niyang may iba pa.

Dumudugo yung kamay niya. Siguro tumama ito sa mga bato nung tinulak siya.

Hindi na  nagdalawang isip si Charllotte na kuhanin yung kamay nito. Nagulat naman ito nung bgla niyang hinatak yung kamay niya. Balak sana nitong bawiin ang kamay niya pero napigilan niya.

Love and ProportionalityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon