12:51

20.2K 351 14
                                    

 CHARLIE

“Kasi mahal kita..” sa wakas nasabi ko din.

Wala naman akong balak na umasa. Naramdaman ko lang na kailangan ko ng sabihin.

Para kasing hindi sapat na nararamdaman ko lang. hindi sapat na si Maggie lang ang may alam. Dahil sa sobrang pagmamahal ko para akong mamamatay kapag hindi ko pa nailabas.

God knows how much I tried. Na pigilan ang nararamdaman ko parang nung ginawala ko lang kay Maggie. Pero this feeling is so overwhelming. It’s the best yet so complicated. Pero ayoko ng gawing mas komplikado pa.

Hindi ako duwag para matakot na masaktan.

Tahimik lang siya. Pero hindi naman ako naghihintay ng sagot mula sa kanya. Ang gaan na sa pakiramdam dahil nasabi ko na.

Matutulog na ko. Tinakpan ko ng unan ung mukha ko.

“Charlie..” gising pa pala siya..

“hmm..?”

“Alam mo naman kung gaano ka kahalaga skin di ba?”  sabi niya. Inalis ko ung unan sa mukha ko. Nakatalikod pa din siya sakin. Napatingin nalang ako sa kisame.

“Gaano nga ba?” tanong ko

“Sobra. Para na kitang best friend. Parang kapatid. Gusto kitang alagaan. Gusto kitang protektahan. Gusto kitang maging masaya. Gusto kong maging part ng buhay mo. Charlie sayo lang ako ganto. You mean so much to me. Na kapag nawala ka hindi ko alam kung pano na ko.”

Hindi ako nagsasalita. Gusto ko lang pakinggan mga sasabihin niya.

“Hmm.. hindi ko kayang suklian yung nararamdaman mo. Mahal kita pero hindi sapat para maibalik yung pagmamahal mo.” Nakikinig pa din ako.

“Magiging masama ba ko kung sasabihin kong wag nalang? Wag nalang ako yung mahalin mo. Ayoko dahil ayokong masaktan ka ng dahil sakin..”

“Wala akong paki kung di mo ko mahalin. Hayaan mo lang ako. Hayaan mo lang mahalin kita. Yun lang sana pakiusap ko.” Binasag ko na yung katahimikan ko..

“Charlie masasaktan ka lang sakin. Ayokong mawala ka. Natatakot ako na isang araw iwan mo ko dahil nasaktan na pala kita..”

“No. hindi ako mawawala. Hayaan mo lang ako. Wala akong pakialam kung mag boyfriend ka o kung magmahal ka ng iba. Hindi ako mag eexpect ng kahit ano sayo.hindi ko na din gagawin yung ginawa ko kanina.”

“Titigil ako kapag hindi ko na nakaya yung sakit pero hindi ako mawawala. Babalik ako bilang kaibigan mo..” napapikit ako at di ko na napigilan ang pagdaloy ng mga luha sa pisngi ko.

Naramdaman kong pumihit siya paharap sakin. Narinig niya siguro ang paghikbi ko..

Love and ProportionalityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon