24

20.6K 403 75
  • Dedicated kay msantos23
                                    

 Hi Em! This Chapter is for you ^_^

 

Nagising ako na masakit yung ulo. Akalain mo yun nagkahang-over ako.

Hindi sa alak kundi sa pagod ko kagabi.

Ako nalang magisa sa kama. Nasan na sila?

Biglang bumukas yung pinto, si Charlie.

"Charlie asan na sila Maggie?"

"Hinatid ko na. 10 o'clock na kaya. Uuwi na din ako, nawala sa isip ko si Mogu kagabi baka nangingisay na yun sa gutom."

Oo nga pala.

"Sama ako.." Tumayo na ako para magpunta sa banyo.

"Hindi dito ka nalang.."

"Eee..."

"pupunta din ako sa skul magtry-out ako para sa women's  basketball team."

"Sama!"

"Mukha kang sama jan."

"Alis na ko. Kumain ka na. Pinagluto kita."

tama ba ko ng narinig? pinagluto niya ako :))

"Sige na nga. Lumayas ka na. Galingan mo." Nagutom ako bigla.

"Kumaen ka ah, ubusin mo yun.." sabi niya habang nagsasapatos.

Pumasok ako sa CR para magsipilyo. Paglabas ko wala na siya.

Bwisit pagkatapos ko patuluyin dito hindi man lang nagpaalam. Hmp

Naalala ko yung breakfast na hinanda nia para sa akin.

Bumaba na ako at nagtungo sa dinning area.

Nawala bigla yung ngiti sa mukha ko.

ITLOG.

Muntik pa masunog.

Asar siya. hmp!

Kinain ko pa diin syempre. Luto niya yun e.

Maghapon akong nakanganga lang sa bahay. Bat ba kasi nauso pa ang weekends. namimiss ko na si Charlie.

Saka ko nalang nalaman yung kahalagahan ng weekends nung ilang linggo na yung lumipas.

Love and ProportionalityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon