Epilogue

12.7K 347 71
                                    


Epilogue.

JAM.

"Okay na ba lahat ng gamit mo para bukas?" tanong ni Armeen habang nagmemerienda kami sa pantry. Tumango tango lang ako.

"Ate Jamai mamimiss kita." malungkot namang sabi ni Maggie.

Ngumiti ako sa kanya.

"Ano ka ba Magz, 2 weeks lang naman akong mawawala, ill be back before you know it."

Wala na dapat akong pasok ngayon pero dumaan ako sa office para kuhanin ang mga files na kakailanganin ko sa convention sa UK.

"Pero thanks Magz, buti pa ikaw namimiss ako. Samantalang yung iba nakalimot na ata."

"Mamimiss din kita gurlah!" sabi naman ni Armeen. napasimangot ako dahil hindi naman siya ang tinutukoy ko.

May lumapit na isang lalaki at naupo sa tabi ko.

"Hi Jamai." bati niya. Ngiti lang ang isinagot ko.

"Bukas na pala ang alis mo. Have a safe trip ha? Sana mabago ng hangin sa London ang isip mo. Sana pagbalik mo pumayag ka ng makipagdate sa akin."

"Oy Jansen tantanan mo nga si Ate Jamai. Ano bang ginagawa mo dito? Dun ka nga nakakawalang gana ka eh." asar na sabi ni Maggie.

Napatingin ako sa kanya. Okay sana yung sinabi niya kaso ubos naman na niya yung pagkain niya eh.

"Ano bang paki mo? Di naman ikaw yung kausap ko." asar din na sabi nito sa kanya.

"Malaki ang paki ko kasi girlfriend ng bestfriend ko yang nilalandi mo."

Hindi ko alam kung matatawa ako o maaawa kay Jansen. Sweet si Maggie pero kapag may nakikita siyang umaaligid sa akin nagtatransform agad siya.

"Totoo ba yung sinasabi nitong si Payless? May boyfriend ka na Jamai?" napafacepalm ako.

"Girlfriend." pagtatama ko sa kanya. Nakita kong parang naguluhan siya.

"Tomboy ka Jamai?"

"Oo at kahit maging straight pa siya hindi hindi ka pa rin niya papatulan." sabat ni Maggie.

Nakita kong tinignan siya ng masama ni Jansen.

"Ingat pa rin." baling niya sa akin sabay alis.

"Maggie yung totoo bakit dito mo naisipang magtrabaho? Inutusan ka ba ni sharlie na bakuran si Jamai?" seryosong tanong ni Armeen.

"Isa na rin yun sa dahilan pero di niya ko pinilit. Gusto ko rin dito." Nakangiti na siya ulit.

"Ah, para kasing yun talaga yung pinakamisyon mo eh. Parang wala kang pakialam kahit na senior mo yung tinatarayan mo? To think na nasa probationary period ka palang." Nakangising sabi ni Armeen.

"Eh? Si Jansen?"  sabay kaming tumango ni Armeen. Biglang nawala ang ngiti sa mga labi niya.

"Wait lang ha magsosorry lang ako." nagmamadali siyang umalis.

Nqgkatinginan kami ni Armeen at sabay na tumawa. Parang pareho kami ng naiisip.

Sorry Magz bagay naman kayo eh.

Nagring yung phone ko at napangiti ako nung makita kung sino ang tumatawag. Agad ko yung sinagot.

"Jollie! Imissyou!"

"Sus! Ako ba talaga ang miss mo gurlah?" Napangiti ako. Bihira nalang kasi kaming magkausap. Madalang tapos sa phone pa. 8 months na siyang wala sa Pilipinas.

"Syempre mas miss ko yung isa." natatawang sabi ko.

"Haroooooooot! Kamusta na? Balita ko lilipad ka pa London?"

Love and ProportionalityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon