16

19.9K 397 35
                                    

Dedicated kay idol. HAPPY BIRTHDAY!

CHARLIE

Nagising akong mukha ni Jam ang una kong nakita.

Aaminin kong nasaktan ako kagabi. Pero napawi agad un ng mga yakap niya.

Dinaig pa ang mefenamic acid sa bilis magpagaling.

Pinagmasdan ko lang mukha niya. Paano ko ba naman magagawang magalit sa kaniya?

Sana palagi ka nalang tulog. Para malaya akong pagmasdan ka. Pag natutulog ka, pakiramdam ko akin ka.

Ayan tuloy nagising na siya. Ayaw magpaangkin ng adik.haha

Nginitian niya ko at naginat-inat siya.

"Charlie good morning.." aniya na parang paos pa ang boses

"Anong breakfast?" dagdag pa niya

Ngumuso ako.

"Ayoko niyan hapunan ko na yan kagabi e. Iba naman." sabi niya na napapangiti.

Inilapit ko yung katawan ko sa kaniya at hinawakan bewang niya.

Nakatitig lang siya sakin habang pinipigilang mangiti.

"Pasaway ka Charlie.."

Ngumiti lang ako at bumangon na.

"Tara hatid na kita maaga pa pasok ko."

"Charlie daan tayo drive-thru gusto ko ng ultimate burger steak."

Binuksan niya pala ang tv at saktong iyon ung commercial.

Pagkatapos niya magayos umalis na kami. Bago ko siya ihatid dumaan muna kaming drive-thru dahil pilit siya ng pilit sakin. Ililibre niya pa daw ako. Hahaha

Umorder kami ng gusto niyang ulitimate burger steak.

Itinabi ko yung kotse sa may tabing dagat at inopen ko ung bubong. Dito na kami kakain dahil gutom na daw siya.Hehe

"Charlie palitan ko ng egg yung patty mo.."

"ayaw.." sabi ko. Dudugasan niya pa ko ah.

"Sige. Egg at fries ko kapalit ng kalahating patty mo.." ayaw talga tumigil.

"Jam alam mo ba kung bakit ultimate burger steak ang tawag dito?"

Tumingin lang siya sakin habang punumpuno ng laman ung bibig niya.

Love and ProportionalityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon