CHAPTER 1

41.7K 539 12
                                    

"Charlotte!" super excited na sigaw ng kanyang bestfriend ng makita sya nitong papasok na sa gate ng kanilang school.

"Hoy Maggie, bunganga mo nga para ka na namang ngtransform jan." Hindi niya maiwasang mapanguso sa pagiging eskandalosa ng kanyang kaibigan.

"Badtrip ka naman e kanina pa akong 7am dito."

"Sino ba may sabi sayong pumasok ka ng 7am? 8 pa first subject natin."

First day of their life as a college students. Pareho sila ng kursong kinuha. Ang totoo wala naman talagang balak si Maggie na magcivil engineering.

Pero nung nabanggit niya dito before graduation na plano niang magexam for civil, nagulat nalang siya na kumuha na agad ito ng admission form para sa kanilang dalawa.

"Shar.."

"Ano?" saglit niyang nilingon ang kaibigan habang nglalakad sila papunta sa assigned room nila.

"College na tayo pero ganyan ka pa din mula ng makilala kita nung elementary."

"Ha? Tumangkad naman ako ah." Nakangiting sabi ni Charlie habang sinusukat sa pamamagitan ng kamay ang height difference nilang dalawa. Higit na mas matangkad siya kaysa sa kaibigan niya.

"Oo, yun nga lang yung nagbago sayo. Pero hindi iyon ang tinutukoy ko. Hmp!"

"Eh ano pala?"

"Kung ano yung suot mo dati yun pa din yung suot mo ngayon." anito.

"Oy ano ka nilalabhan ko naman to. Oo favorite ko to pero hindi ko naman to pinangaaraw araw." sabi ni Charlotte habang inaamoy ang suot niyang damit.

"Tssss! Ano ka ba hindi naman yun yung ibig kong sabihin!" Asar na sabi ni Maggie sa kaibigan niya. Minsan pumapalya din pala ang pagka-henyo ng bestfriend niya.

"Ibig kong sabihin kung paano ka manamit noon ganun pa din ngayon. Dalaga na kaya tayo. Maturity ang tawag dun." pagbibida ni Maggie.

"Wow! Maturity sa pananamit? Sayo ko lang yan narinig." Palagi nalang nilang pinagtatalunan ang bagay na yun.

"Eh kasi naman.." napakamot nalang ng ulo si Maggie habang pinagmamasdan ang mga estudyante sa paligid. Halatang naiintimidate ito, na normal naman sa mga freshmen.

Nagmasid masid na din si Charlotte. Nakita niya ang mga nakajacket kahit mainit, nakaminiskirt kahit maitim ang tuhod, nakaheels kahit hindi naman sanay, mga babaeng halatang kakaparebond lang ng buhok kahapon para lamang sa first day of school year.

"okay na ko dito sa suot ko, kahit wash and wear pa!'

"Eh tignan mo nga yang jeans mo, e nung 2nd year high school m pa yan e. Kupas kupas na. ang yaman yaman mo naman bat di ka bumili ng bago. Okay lang kahit na hindi ka magsuot ng palda basta bumili ka lng ng bagong pants." dire direcho nitong sabi.

Napalingon sya sa kaibigan "Bakit? okay pa naman to ah. Saka dito ako kompor-"

Napayuko sya bigla at pinilit pigilan ang tawang nais niang pakawalan.

Pinilit niyang itikom ang bibig saka humarap kay Maggie.

"Magz, ano yang nasa mukha mo?" sinubukan niang maging seryoso sa pagtatanong.

"Bakit? Makeup.."

"Wow! kelan ka pa natuto niyan? Parang natutulog lang ah!" Di na niya napigilan ang pagtawa. Kaya pala parang may bago kay Maggie nung nakita niya ito sa may gate.

"Nakakainis ka! Ginawa mo kong patay! Pangit ba?" parang maiiyak na to sa pangaasar niya.

"Hmmm okay lang, maganda. Pero alam mo Maggie, yang sinasabi mong 'maturity' nasa isip at gawa yan. Wala sa kapal ng make-up, iksi ng shorts o ganda ng pananamit. Wala naman tayo sa school para mag party. Wala tayong uniform kasi we're free to wear anything we want kasi its what makes us who we are, how we differ from each other."

"You can't say they are not mature just because they are wearing jeans and plain tees like me."

Maggie's POV

Nakabusangot ang mukha ko habang naglalakad dahil sa ginawang pangaasar at panenermon sa akin ni Charlotte. Bigla akong tumigil sa paglalakad at napansin naman agad to ni Shar.

"O? malelate na tayo" sabi niya sabay harap sakin.

Tinignan ko ang aking best friend mula ulo hanggang paa. Palaging nakatali ang lagpas balikat niyang buhok. Dahilan niya na naiirita siya at mainit sa pakiramdam pag nakalugay.

Kung meron man siguro syang pinagkakagastusan, iyon ay yung mga panali niya sa buhok. Parang nangongolekta ata sya nun.

Bihira din siyang mgsuot ng mga pambabaeng blouse. Kadalasan e puro tshirt lng na sakto sa katawan niya.

Madalang din mgsuot ng skirt. Kapag kailangang kailangan lang magpakababae siya tulad pag may mga special occassions.

Ewan ko pero si Shar ang tipo ng babaeng walang kaarte arte sa katawan. Yung simple pa sa simple.

Hindi niya iniisip kung anong iisipin sa kanya ng ibang tao. Simple pero malakas ang dating. Boyish pero pansinin ng mga boys.

Hindi din niya kelangan ng lipstick dahil likas na mapula ang mga labi niya.

Hindi din kailangan ng maskara para lang maemphasize ang mga mata niya dahil meron siyang mahahabang pilik mata.

Kahit minsan pinipilit kong mag pakachix ang aking kaibgan, aminado naman akong nakakadagdag sa pagkacool niya ang simpleng porma nia. Kumbaga, astig ang bestfriend ko.

Di naman lingid sa akin na bisexual siya. Ang totoo, ako lang ang nakakaalam noon. Kahit pa sabihing boyish sya, Hindi iisipin ng ibang tao na ganun siya dahil sa taglay niyang ganda.

Yun nga lang. masyado siyang suplada para sa isang babae. I mean hindi siya magsasalita kung hindi mo siya kakausapin. Mahiyain na ewan. Madalas poker face kapag ibang mga tao ang kaharap.


Charlotte's POV

Sinalubong ko ng tingin si Maggie. Ano na naman kayang iniisip ng isang to.

"Maggie!" Tawag ko sa kanya. Pero para siyang tangang nakatayo lang sa harap ko. Naiiling kong ipinagpatuloy ang paglalakad.

Nilingon ko siya at nakita kong nakasunod lang siya. Para siyang batang nawawala kung iikot niya ang tingin niya sa buong campus.

"Magz, let's go find a washroom first. Naiihi na ko." Sabi ko sabay talikod at nagpatuloy sa paglalakad.

"Hey, sorry. We're actually new here. Pwedeng malaman kung saan yung pinakamalapit na restroom dito? Tanong ko sa unang taong nakasalubong ko. Masyadong malaki ang campus at malelate na kami para magexplore pa.

"It's fine. Liko ka lang dun. May building sa right, 2nd floor" nakangiting sabi ng babae.

"Thank you." sabi ko. Hinablot ko kamay ni Maggie na alam kong nasa likod ko lang at hinila siya papuntang cr.

"Maggie di ka ba nagalmusal? Bilisan mo naman 5mins nalang at malelate na tayo" halos kaladkarin ko siya makarating lang agad sa cr.

Habol hininga kong natunton ang restroom.

"Magz dito ka nalang sa labas saglit lang--"

Wala si Maggie paglingon ko. Huli ko na narealize na ibang kamay ang hawak ko.

Love and ProportionalityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon