33

14.4K 367 121
                                    

CHARLIE

Halos hindi ko naramdaman ang pagdaan ng mga araw. Tapos na ang mga exams at heto nasa amin na ang resulta.

"OMG BESSY! PASSED!" Halos hindi makapaniwalang sabi ni Maggie. Hindi naman na ako nagulat dahil tiwala naman akong maipapasa niya yun.

"Bessy ko.. Salamat.." Lumapit siya sa akin at mahigpit akong niyakap.

"O ayan tapos na ang deal natin pwede mo ng puntahan ang reward mo." Nakangiting sabi ko.

Kakalas na sana ako pero mas hinigpitan niya pa ang yakap sa akin.

"Ehhh! Mamaya na nga. Akap akap ko pa ang Bestfriend ko eh." sabi niya.

"Sus! Kung makayakap ka naman diyan parang hindi na tayo magkikita." sabi ko.

"Hindi na nga..." seryosong sabi niya. Natigilan ako.

"Syempre bakasyon na eh." natatawa niyang sabi. Akala ko naman kung ano na. Tssss

"Sige na alis na! Nangangati ako sayo." sabi ko na kunwari ay naaalibadbaran na ako.

"Eh bakit ba pinagtatabuyan mo ko? Gustung-gusto mo na siguro talaga akong dispatsahin no?" pagmamaktol niya.

"Buti alam mo." Natatawang sabi ko.

"Hmp! Alis muna ko Bespren ha?" unti-unti ng lumuwag ang yakap niya sa akin.

"Oo, kanina pa nga kita pinapaalis diyan." sabi ko. Pero bago siya umalis kinurot niya muna ang magkabilang pisngi ko. Pinagmasdan ko siya hanggang sa mawala siya sa paningin ko.

May boyfriend na siya. Hindi ko pa rin maiwasang malungkot. Kahit na sinabi ko sa sarili ko na dapat akong maging masaya para sa kanya. Mababawasan na din yung oras na magkasama kami. Hindi ako sana'y ng wala si Maggie sa tabi ko.

Naisip kong pumunta sa tinatambayan ni Jam. Tinatamad pa akong umuwi. Habang nakatingin sa kawalan biglang pumasok sa isip ko yung araw na nakilala ko si Maggie.

I was a trasferee. Wala akong kaibigan o kakilala man lang sa school dahil galing ako nun sa states. Magisa lang ako palaging kumakain pero para sa akin mas okay yun.

I put no effort in making friends. Ganun din ang mga classmates ko sa akin. May kanya kanya silang barkada at wala din naman akong balak maki-join dahil karamihan sa kanila ay spoiled brat.

First week ko palang sa school na yuun ng biglang magpaexam ang  teacher namin. Tapos na kong magsagot nang mapadako ang tingin ko sa isa sa mga classmates ko. 

Kitang kita ko siyang nagbubukas ng notes. Nagtaas ako ng kamay at agad naman akong napansin ng teacher.

"Yes, Charlotte?"

"I think she's cheating." kaswal kong sabi at tinuro yung malusog na batang babae. Bakas sa mukha niya ang pag kagulat. Agad naman siyang nakita ni Ma'am.

Love and ProportionalityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon