Chapter 41

8.9K 236 23
                                    

JAM

"Get down. It's late." Utos niya pagkahinto ng kotse niya sa tapat ng bahay ko.

"Charlie ayaw ko pa. Sige na isang ikot pa." Pagpapacute ko sa kanya.

"Kanina pa tayo paikot ikot dito sa area nio. Ansama na nga ng tingin ng guard sa atin. Mapagkamalan pa kong masamang tao dahil sayo. " napasimangot ako at nagtulug tulugan. Niyugyog niya yung balikat ko.

"Jam, C'mon. May pasok ka pa bukas. Baba na bago ko pa maisipang iuwi ka sa bahay ko." Lihim akong napangiti. Parang mas gusto ko ata yun.

Pero hindi. Magpapakipot muna ako ng very light. Umayos ako ng upo at padabog na tinggal ang seatbelt.

Inilahad ko ang palad ko sa kanya. Kunot ang noong nakatitig lang siya dun.

"Passport." Sabi ko. Possessive na kung possessive pero kelangan ko yun. I need security. Baka kasi bigla bigla niya kong iwanan ulit ng walang pasabi.

Natawa muna siya bago tumalima at kinuha ang passport na nasa dashboard lang pala ng kotse niya. Tinanggal niya muna ang ticket na nakaipit dito bago ibigay sa akin.

"Okay na po ba?" Tumango ako at ngumiti sa kanya. Hindi na ko nakaiwas nung siilin niya ko ng halik, at hindi ko rin naman gugustuhing umiwas talaga.

"Sino may sabi sayong halikan mo ko?" Pagsusungit ko matapos ko siyang itulak palayo sa akin.

"Kinuha mo passport ko. So i am now your responsibility. You need to feed me, and kiss me, everyday. Lugi ka pa ba dun?" Napailing ako ng walang sa sarili. Lugi? Pabor na pabor sa akin yun at promise magiging responsableng tao na ko mula ngayon!

"What can you say?" Tanong niya nang di pa rin ako nagsalita.

"Deal." Ansabi ko saka lumapit para abutin ang labi niya. Nakakainis. Bakit di ko siya matiis. Kahit anong pigil kong iparamdam sa kanyang mahal ko siya bumibigay at bumibigay ako.

"See you tomorrow love." Bulong ko sa tenga niya. Nakangiting bumaba ako sa sasakyan niya ng hindi siya nililingon. Ngayon nalang ata ako ulit naging ganito kasaya.

"Jam! What did you just say?" Pahabol niya. Umikot ako paharap sa kanya.

Yumuko ako para silipin siya. "Bye, Love!" Paalam ko at masiglang pumasok sa bahay.

Dumiretso ako sa kwarto ni Mama pero tulog na siya kaya bukas nalang ako magkukwento sa kanya. Ibinagsak ko ang sarili sa kama ko at matamang tinitigan ang passport na hawak hawak ko.

Bukas pag gising ko andito pa rin si Charlie.

Napapikit ako at inalala yung naging paguusap namin kanina sa seaside.

***flashback

"Hanggang kailan ka dito?" Nakaupo lang kami ni Charlie sa may seaside ng itanong ko yun. Hindi naman kasi ako nainform na magsisight seeing lang kami kaya inaya niya kong maupo dito.

Kanina pa kami hindi naguusap. Nagpapakiramdaman. Siguro may ibang bagay din siyang iniisip. Yung mga bagay na pwedeng maging resulta ng pag pili niyang magstay muna dito.

Naikwento niya sa akin kanina yung ginawang pagindian sa kanya ni Giesel na siyang naging dahilan kung bakit katabi ko ngayon yung taong mahal ko.

Gusto kong magpasalamat sa kanya pero hindi ko alam kung kaya kong harapin yung taong alam kong nasaktan ng dahil sa akin.

"Hanggang sa mapasagot kita." Umiwas ako ng tingin. Si Charlie nililigawan ako?

"Yung seryoso Charlie. How much time do we have?" Tanong ko kahit na hindi ko maiwasang kiligin dun sa hulibg sinabi niya.

Love and ProportionalityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon